Quantcast
Channel: Eh Kasi, Pinoy!
Viewing all 67 articles
Browse latest View live

Upang huwag maligaw

$
0
0
Pastor Junie Josue

    Upang huwag maligaw

Ayon sa biblia sa aklat ng Kawikaan 14:12, “May daanan na para bang tama sa palagay ng isang taong pero ang dulo nito ay kamatayan.” Sa kilalang libro ng mga bata na may pamagat na Alice in Wonderland, napunta si Alica sa isang kalye na nagsasangay-sangay sa iba’t ibang direksyon. Humingi ng payo si Alice sa isang pusang si Cheshire.

Ang sabi ni Alice, “Maaari bang sabihin mo sa akin kung saan ako dapat pumunta mula dito?”

Sumagot si Cheshire, “Depende kung saan mo gustong makarating.”

Nagsalita muli si Alice, “Wala akong pakialam kung saan.”

Sumagot muli ang pusa, “Wala ring halaga kung saan ka man daraan.”

Minsan kapag nagbabaskayon kami sa isang lugar, gusto lamang namin baybayin ang isang lugar. Wala kami talaga destinasyon. Gusto lang namin pumasyal at natutuwa kami dahil tinuturing naming isang adventure ito. Pero madalas kung tayo ay nagbibiyahe para makapunta sa isang lugar, ang kalyeng daraanan natin ay mahalaga. Lalo na sa winter, iiwas tayo sa madudulas na kalye. Kapag gahol na tayo sa oras, hahanap tayo ng short cut.

Sa ating buhay, lalo na sa mga malalaking desisyong sa ating buhay, hindi puwedeng basta-basta na lamang tayo magdedesisyon dahil kung magkataon, mapapahamak tayo. Napupunta ang tao sa maling landas sa buhay dahil sa iba’t ibang dahilan. May mga taong dahil sa kanilang pagkagahaman ay manloloko ng kanilang kapuwa para yumaman. Nabulagan sila dahil sa kanilang pagiging makasarili. Wala makitang mali sa kanilang ginagawa. Ang nakikita nila ay ang kanilang pagyaman at ang mga luhong nais nilang makamtam. Kulungan at kahihiyan ang naging destinasyon ng mga taong ito.

Ang iba naman ay naliliko ng landas dahil sa kanilang desperasyon. Napagdaanan na sila ng mahabang panahon at wala pa rin silang asawa. Dumating sila sa punto na pumatol sa taong may asawa. Ang sinisigaw nila, may karapatan din silang lumigaya. Pero ang hindi nila batid, lolokohin, pagsasamantalahan, bibiguin at iiwanan lamang sila ng mga kinakasama nila.

Ang ilan naman ay naliko ang landas dahil sa kanilang pride. Umasa sila sa kanilang sariling talino at galing. Akala nila sapat na ito para maging magtagumpay. Sumabak sa isang negosyong alanganin. Naubos ang kabuhayan pati na rin ang mga ipon.

Kung ayaw nating mapahamak sa buhay, ang sabi ng biblia sa Kawikaan 3:5-7, “Magtiwala sa Diyos nang buong puso at huwag manangan sa inyong sariling pang-unawa. Sa lahat ng inyong ginagawa, kilalanin siya at gagabayan niya kayo sa iyong daraanan. Huwag kayong maging marunong sa sariling ninyong pananaw. Manampalataya sa Diyos at tumalikod sa kasamaan.”

Hindi ba’t napakadali at nakakarelax ang biyahe lalo na sa malalayong lugar tulad ng States kapag may GPS tayo, ’yong gadget na madalas ay kinakabit natin sa kotse para ituro sa atin ang daan? Pero maging ang GPS ay may limitasyon. Kapag may ginagawang kalye, hindi nito alam. Higit pa ang Diyos sa GPS. Alam niya ang pangkasalukuyan ang panghinaharapat ang lahat ng bagay. Kung ipagkakatiwala natin ang bawat bahagi ng ating buhay sa kaniya, makakaasa tayo na andiyan palagi ang paggabay niya kahit sa oras ng pagsubok. Makakaasa tayo na hindi tayo mapapahamak at tagumpay ang nag-aabang sa atin.

Pastor Junie Josue is Senior Pastor of International Worship Centre at 1077 St. James St. (Worship Services: Tagalog Sunday 9 a.m.; English 10:45 a.m. English service at 6:30p.m. starts on Jan. 8, 2012) and host of radio program Higher Lifeon CKJS 810 AM, Monday to Friday, 8:50 a.m. For more information call 774-4478.

Have a comment on this article? Send us your feedback.


Ang Diyos ang bahala sa iyo

$
0
0
Pastor Junie Josue

    Ang Diyos ang bahala sa iyo

Noong panahon ng giyera, may isang tatay na hawak-hawak sa kamay ang kaniyang maliit na anak na lalaki. Tinamaan ng bomba ang building kung saan nandoon sila at dali-dali silang tumakbo palabas. Sa yard sa harapan ng building, nakita ng tatay ang isang butas kung saan maaari silang pumasok at maging ligtas pansamantala. Nagmamadaling tumalon sa loob ng butas ang tatay at tinaas niya ang kaniyang kamay para sa kaniyang anak. Sinabihan niya ang kaniyang anak na tumalon rin sa butas. Takot na takot ang bata pero naririnig niya ang tinig ng kaniyang tatay. Sumagot ang bata. “Hindi kita makita.” Tumingin sa kalangitan ang tatay at nakita nito ang ulap na naging pula dahil sa usok na dala ng nasusunog na building. Naaaninag din niya ang kaniyang anak na napakalapit sa butas na kinalalagyan niya. Nagsalita ang ama “Nakikita kita. Iyon ang mahalaga kaya’t tumalon ka na.” Tumalon ang bata dahil nagtiwala siya sa kaniyang ama.

Kung may pananampalataya tayo sa Diyos at sa kaniyang mga salita, magagawa nating harapin ang suliranin at kahirapan sa buhay maging ang kamatayan hindi dahil nakikita natin ang mangyayari sa atin kundi dahil nakakasigurado tayong nakikita tayo ng Diyos. Hindi man natin alam ang lahat ng kasagutan sa mga nangyayari sa atin, ang mahalaga ay alam ng Diyos ang ating kasalukuyan at kinabukasan

Ang impala ay isang hayop na matatagpuan sa Africa. Nakakatalon ito nang taas na higit sa 10 feet at nang distansiyang higit sa 30 feet. Pero alam n’yo ba na ang impala ay mailalagay n’yo sa kulungan na may pader na may taas na tatlong feet lamang? Kung iisipin natin, kayang kaya niyang talunin ang mababang pader na iyan pero may kakaiba ugali ang impala. Hindi tatalon ang impala kung hindi nito nakikita kung saang la-landing ang kaniyang mga paa.

Ang pananampalataya sa Diyos ay ang kakayanang magtiwala sa Kaniya patungkol sa mga bagay na hindi natin nakikita. Sa pamamagitan ng pananampalataya, napapalaya tayo sa pagkabihag na dala ng takot.

May kuwento si James S. Hewett na kaniyang sinulat sa Illustrations Unlimited noong siya ay maliit pa lamang at lumalaki sa lugar ng Pennsylvania, madalas dinadalaw ng kaniyang pamilya ang kanilang mga lola’t lola na siyam na milya ang layo sa kanila. Isang gabi, isang makapal na ulap ang bumalot sa mabundok na lugar ng kanilang lolo habang sila’y nagbibiyahe pauwi. Takot na takot si James at tinanong niya kung puwedeng bagalan ng tatay niya ang takbo ng sasakyan. Malumanay na sumagot ang kaniyang nanay “Huwag kang mag-alala anak. Alam ng tatay mo ang daan.” Kinuwento ng nanay niya kung paanong noong panahon ng giyera at walang gasolina, nilalakad lamang ng tatay niya ang kalyeng kanilang dinadaanan. Nakasakay sa bisikleta ang kaniyang tatay para puntahan at ligawan ang kaniyang nanay at nadaanan na niya ng ilang beses ang maitim na ulap na kanilang nakikita ngayon. At sa loob ng ilang taon, linggu-linggong naglalakbay ang kaniyang tatay para dalawin ang kaniyang mga magulang. Ang sabi ni James, “Kapag may problema ako, hindi ko alam ang daaranan at karaniwan nag-papanic ako pero biglang naririnig ko ang tinig ng aking inay na para bang nangungusap sa akin at nagsasabing, “‘Huwag kang mag-alala. Alam ng tatay mo ang daan.”

May mga panahon na dumarating ang pag-aalala at takot sa ating buhay pero kailangan tayong mamili – maaari nating piliin na ituon natin ang pansin sa problema at mapuno ng takot. Maaaring rin nating piliin na mag-pokus sa Diyos at ang ating takot ay maglalaho. Kaibigan, alam ng Diyos ang ating daraanan kahit madilim ang paligid dala ng mga problema ng buhay. Sa biblia sa aklat ng Isaias 26:3, sinabi ng Diyos na pananatilihin niya sa ganap na kapayapaan ang sinumang nagtitiwala sa at nakatuon ang pansin sa kaniya.

Kaibigan, bakit hindi mo subukang ilagak ang buhay mo sa Kaniya?

Pastor Junie Josue is Senior Pastor of International Worship Centre at 1077 St. James St. (Worship Services: Sundays- 9 a.m. Tagalog, 10:45 a.m. and 6:30p.m. English services) and host of radio program Higher Lifeon CKJS 810 AM, Monday to Friday, 8:50 a.m.  For more information call 774-4478.

Have a comment on this article? Send us your feedback.

Ala-alang iiwan

$
0
0
Pastor Junie Josue     

Ala-alang iiwan

Lahat tayo ay mamamatay ngunit anong ala-ala ang nais nating iwan sa mga taong nabubuhay? Ang sabi ng dating race car driver na ni Scott Goodyear, “Hindi mo makikita kung saan ito nangyari.” Ang tinutukoy niya ay ang mga driver ng mga race cars na namatay dahil sa pagkabundol ng kanilang kotse sa Indianapolis 500, isang kilalang karera ng mga kotse sa America. Wala kang makikitang palabas nito sa telebisyon. Hindi ito napag-uusapan. Kapag nagsasara na ang karerahan sa araw na iyon, agad-agad may isang trabahador na nagpipintura sa lugar kung saan bumangga ang kotse sa pader. Sa loob ng maraming taon, hindi kailanman sinasabing namatay ang isang race car driver sa karerahan. At kung kayo’y mamamasyal sa Indianapolis Motor Speedway Racing Museum na nasa loob ng oval, walang memorial o ala-alang nakalaan para sa 40 driver na namatay sa lugar na iyon. Kahit saan, hindi man lang nabanggit ang mga yumaong driver na ito.

Ayaw nating mabuhay na parang singaw lamang na lumilitaw at naglalaho. Sa ating lapida, nakasulat ang ating buong pangalan, ang petsa ng ating kapanganakan at kamatayan. Ang lapida ay gagawin ng mga kamay ng mga taong hindi man lang nakakakilala sa atin. Made to order ito. Isusulat ito ng mga taong diniktahan kung ano ang isusulat

Nunit hindi nito maitatala ang tunay na kuwento ng ating buhay, ang ating pagbibigay, ang mga ginawa natin sa buhay. Ang maikling pangungusap na nakaukit sa bato ay hind kailanman maipapahayag kung ano ang nakaukit sa puso ng mga taong naiwan natin.

Ang tunay na memorial ng ating buhay at kamatayan ay makikita sa kilos at salita ng mga nakakakilala sa atin. Nakakalungkot minsang makita na halos walang dumalo sa libing ng isang tao maliban sa kaniyang kamag-anak. Wala kasing naging kaibigan ang mga taong ito. Ang iba nama’y hindi mapigil makahinga ng maluwag sa pagkamatay ng ilang tao dahil sa mga krimeng ginawa ng mga ito sa kanilang lugar.

Ngunit higit sa sasabihin ng ating naiwan sa buhay, dapat nating bigyan pansin ang sasabihin ng Diyos sa atin. Balang araw, lahat tayo’y haharap sa Panginoon at huhusgahan tayo ayon sa ating ginawa. Tayo ba’y namuhay para sa ating sarili o para sa ating kapwa at para sa Diyos? Ano ba ang ginawa natin sa kaniyang handog na anak na si Hesus? Tinanggap ba natin ang kaligtasang dulot ng Panginoon o binalewala natin ito?

At hindi tulad ng ibang tao na malilinlang natin, wala tayong maitatago at maililihim sa Diyos. Alam niya ang lahat sa ating buhay.

Kung tayo’y namumuhay nang may magandang ugnayan sa Diyos, wala tayong dapat ikabahala. At kahit hindi pansin ng maraming tao ang ating mabubuting gawa, alam ito ng Diyos. Sa biblia sa aklat ng Pahayag 14:13, narinig ni apostol Juan ang isang tinig mula sa langit na nagsasabi “Mapapalad ang naglilingkod sa Panginon hanggang kamatayan. Tunay nga, sabi ng Espiritu, ‘Magpapahinga na sila sa kanilang pagpapagal at susundan sila ng kanilang mga gawa.”

Kaibigan, kung nais mong bumango ang pangalan mo kahit ikaw ay yumao na, bakit hindi mo ipagkatiwala ang buhay mo kay Hesus? Manampalataya ka sa Kaniya na kaya niyang baguhin ang buhay mo. Sundin mo ang kaparaanan niya nang sa gayon ay maging kalugud-lugod ang ala-alang iiwan mo sa iyong mga kakikilala at higit sa lahat ay sa Diyos.

Pastor Junie Josue is Senior Pastor of International Worship Centre at 1077 St. James St. (Worship Services: Sundays, 9 a.m. Tagalog, 10:45 a.m. and 6:30p.m. English services) and host of radio program Higher Lifeon CKJS 810 AM, Monday to Friday, 8:50 a.m.  For more information call 774-4478.

Have a comment on this article? Send us your feedback.

Aral mula sa isang puno

$
0
0
Pastor Junie Josue     

Aral mula sa isang puno

Ngayong spring, panahon na rin na magtanim ng magagandang bulaklak. Umuusbong na rin ang maraming mga pananim. Namumunga na rin ang mga puno. Alam n’yo bang maging sa biblia, ginamit ang iba-ibang halaman para turuan tayo ng Diyos ng mga leksyon? Sa ating ugnayan sa Diyos, unti-unti nating nauunawaan na may mga bagay tayong hindi nakukuha nang magdamagan. Sa paglipas pa ng panahon natin nakikita ang katuparan ng ating mga pangarap.

Kung anong ating tinanim ang siya natin aanihin. At sa daan tungo sa tagumpay, may mga hadlang, may mga hamon tayong hinaharap. Pero sa atin na mga nagtitiwala sa Panginoon, mayroon siyang mensahe. Ayon sa biblia sa sa aklat ng Awit 92:12-13 “Ang matuwid ay tulad ng palm tree na tatatag ang buhay. Para rin siyang mga cedar na kahoy na mula sa Lebanon na lalago nang mabuti. Para siyang punongkahoy na doon natanim sa tahanan ng Diyos, sa banal na templo. Ito ay lalago na nakakalugod. Patuloy itong namumunga kahit na ang punong ito ay tumatanda, Luntian at matatag pa rin ito at and dahon nito’y laging sariwa.”

Ang palm tree ay palaging kulay berde at ang bunga nito ay matamis. Hindi ito kayang patumbahin ng hangin. Hindi ito kayang talunin ng bagyo. Kung masira man ang punong ito ng bagyo, ang tuktok nito ay tutubo nang deretso mula 50 hanggang 100 feet ang taas. Lumalaki ito mula sa loob at mahabang panahon ang kailangan para ito lumago. Ang mga ugat nito’y tumutubo pababa hanggang 100 feet ang lalim at kahit na kakaunti ang ulan, namumunga pa rin to. Katulad ng sinabi ng biblia, ang matuwid ay parang palm tree. Kahit dumating ang mga bagyo sa buhay niya, hindi siya kayang patumbahin ng mga ito. Halimbawa na lamang ay si Job na ang kuwento ay mababasa sa biblia. May malapit na ugnayan siya sa Diyos. Pero isang araw, nalimas ang lahat ng kaniyang ari-arian, namatay ang lahat ng kaniyang mga anak at nagkaroon siya ng sakit sa balat mula ulo hanggang paa. S kabika ng lahat patuloy siyang sumamba sa Diyos. Kinilala niya ang Diyos na siyang makapangyarihan sa lahat.

Gayundin ang taong matuwid. Kapag may trahedya sa buhay niya, itataas ang kaniyang kamay sa langit para manalangin, para humingi ng tulong sa Diyos. Patuloy niyang kakatukin ang trono ng Diyos para humingi ng kalakasan sa kabila ng kaniyang mga sugat sa puso o pahirap sa katawan.

Alam n’yo bang pag mas maraming bagyo at unos ang hinaharap ng palm tree, mas lumalalim ang ugat nito. Gayundin ang taong matutuwid, pagdating ng mga problema at pagsubok sa buhay, mas lumalalim ang kaniyang ugnayan sa Diyos. Mas nagiging malapit siya sa Diyos dahil alam niyang ang Diyos lamang ang kaniyang kalakasan at sandigan.

Anuman ang kalagayang hinaharap ng palm tree, kaya nitong mamumga. Gayundin ang mga matuwid sa Panginoon dahil hindi sa mga pangyayari sa kaniyang buhay nakasalalay ang kaniyang tagumpay kundi sa biyaya ng Panginoon. At habang tumatanda ang palm tree, mas lalo itong tumatatag. Ang taong matuwid ay hindi tumatanda nang paurong. Mas lalong tumatag ang pananalig at ugnayan nang matuwid sa Diyos paglipas ng panahon dahil napatunayan na nang ilang beses ng taong matuwid ang katapatan at kabutihan ng Diyos sa kaniyang buhay. At hindi natatakot ang matuwid sa paglapit ng kamatayan dahil alam nitong may naghihintay na mas magandang buhay sa kaniya sa kaniyang pagpanaw sa lupa.

Isang magandang halimbawa si apostol Pablo. Alam niyang nalalapit na ang kaniyang kamatayan pero hind siya natinag sa kaniyang pananampalataya. Nagpatuloy siya ng pagtuturo ng salita ng Diyos hanggang sa huli. Handa siyang harapin ang kamatayan dahil alam niyang natupad na niya ang tungkulin niya mula sa Diyos. Sa katunayan, excited siyang makapiling ang Diyos at makuha ang kaniyang gantimpala.

Kaibigan, maging matatag tayo tulad ng palm tree para hindi sayang ang ating buhay.

Pastor Junie Josue is Senior Pastor of International Worship Centre at 1077 St. James St. (Worship Services: Sundays, 9 a.m. Tagalog, 10:45 a.m. and 6:30p.m. English services) and Kildonan Place at 1555 Regent Avenue (Worship Service: 10:30 a.m. English) and host of radio program Higher Life on CKJS 810 AM, Monday to Friday, 8:50 a.m. For more information call 774-4478.

Have a comment on this article? Send us your feedback.

Mayaman ka ba?

$
0
0
Pastor Junie Josue     

Mayaman ka ba?

Marami sa atin ang nangangarap na magkaroon ng maraming pera. Akala ng ilan, ito ang bagay na makakapagpasaya sa kanila. Maaaring totoo. Sino ba naman ang hindi matutuwang mabigyan ng isang milyong dolyares? Pero hindi pangmatagalan ang saya na dulot ng pera. Maraming mga bilyonaryo sa iba’t ibang parte ng mundo ang umamin ng matinding kalungkutan sa kabila ng naglalakihang bank account nila. Marami sa kanila ang nagsasabing may kulang pa. Ano nga ba ang mga bagay na maituturing nating mga tunay na yaman ng buhay?

Nang madiskubre ang diamond, maraming mga tao ang iniiwan ang lahat para maghanap ng mga mahahaling batong ito. Pero hindi ang isang magsasaka. May mga gawaing kailangan niyang asikasuhin. May mga pakakainin siyang mga hayop at lupang aararuhin. Pero hindi siya makatulog dahil sa kakaisip na maaari nga siyang magkaroon ng napakaraming pera. Kaya nang dumating ang isang estranghero at alukin siyang bilhin ang kaniyang bukid, kaagad agad siyang pumayag. Sa wakas, malaya na siyang tuparin ang kaniyang pangarap. Ang paghahanap ng diamond ay mahaba at puno ng hirap. Dumaan siya sa mga desyerto, sa mga gubat at sa kabundukan. Ang mga linggo ay naging buwan. Ang mga buwan ay naging taon. Nagkasakit siya, naubos ang pera at napuno ng matinding kalungkutan kayat nagpakamatay siya. Tumalon siya sa isang ilog.

Sa dati niyang bahay, ang lalaking nakabili ng kaniyang bukid ay maingat na inaararo ang lupa. Isang araw, nang siya ay nagtatanim, nakita niya ang isang batong kakaiba ang itsura. Dinala niya ito sa loob ng bahay at ipinatong sa ibabaw ng fireplace. Nang gabing yaon, may dumalaw na isang kabigan sa kaniya at napansin nito ang bato. Hinawakan niya ito at pinagmasdan ng ilang ulit. At nanglalaki ang mga mata, sinabi niya sa may-ari ng bukid “Alam mo ba kung ano itong pag-aari mo? Maaaring isa ito sa pinakamalaking diamond na nadiskubre.”

Hindi nagkamali ang bisita. Hindi nagtagal, natagpuan na ang buong bukid ay punung puno ng mamahaling bato. Ang bukid na binenta ng unang magsasaka ay isa palang pinakamayamang minahan ng diamond sa mundo!

Hindi nagbago ang panahon. Tulad ng lalaki na kaagad agad na binenta ang kaniyang bukid, kakaunti lamang sa atin ang nagugugol ng panahong para suriin ang ating sariling bahay para sa tunay na yaman. Hindi natin nauunawaan na may sariling tayong yaman sa ating sariling bakod at araw-araw dinadaanan at nilalagpasan lang natin ang mga ito.

May isang lalaking matagumpay sa kaniyang negosya. Maraming taon ang ginugol niya sa pagpapadami ng pera tulad ng lalaking naghahanap ng diamond. Pero isang araw, nang siya ay umuwi, walang sumalubong sa kaniyang pagdating. Napakatahimik ng bahay. Nilayasan pala siya ng kaniyang misis at mga anak. Pero nanatili sa lalaki ang kaniyang napalaking rantso, mga speedboat at magagarang kotse. Ang sabi niya, “Lahat na iyan ay akin. Bayad na ang mga iyan. Pero malaking kawalan pa rin ang nadarama ko. Hindi ko alam na mas mahalaga pala ang pamilya ko kaysa sa pera at mga mamahaling bagay. Nadiskubre ko lang ito nang sila ay nawala na sa akin.”

Ang kilalang manulat na si Rudyard Kipling ay nagbigay ng kaniyang paglalarawan sa isang pamilya. Ang sabi niya, ang pamilya ay nagbabahagi ng mga bagay tulad ng panaginip, pag-asa, ari-arian, ala-ala, mga ngiti at kagalakan. Ang pamilya ay isang grupo na dinidikit ng pag-ibig at sinisimento ng paggalang sa isa’t isa. Ang pamilya ay isang silungan sa panahon ng bagyo, isang daungan na sumasalubong sa atin kapag ang mga agos ng buhay ay nagiging napakalakas. Walang tao ang nag-iisa kung kasapi siya ng isang pamilya.

Hinostage si Thomas Sutherland noong siya ay nagtatabraho sa isang unibersidad sa Lebanon. Sa loob ng anim na taon na pagkakabilanggo niya, inamin niyang tatlong beses siyang nagtangkang magpakamatay. Nangyari ito noong inilipat siya sa isang napakaliit na selda sa ilalim ng lupa. Binalot niya ang ulo niya ng isang plastic bag para hindi siya makahinga. Ang sabi niya, nadiskubre niya na sa bawat pagkakataong subukan niya ito, mas lalong tumitindi ang sakit at habang mas lalong sumasakit, mas nagiging malinaw ang ala-ala ng kaniyang asawa at 3 anak. Naiiisip niya tuloy hindi niya pala kayang kitilin ang sariling buhay.

Lahat tayo ay nangangailangan ng mga uganayan tulad ng mga pamilya at iba pang mahal sa buhay para tulungan tayong hindi bumigay sa mga panahon ng pagsubok

Kaibigan, ang ating pamilya ay isang yaman na dapat natin ipagpasalamat sa Diyos. Huwag natin silang balewalain. Huwag tayong magpakasubsub sa trabaho o bisyo. Maggugol tayo ng panahon sa kanila. I-enjoy natin sila. Tandaan natin, hindi habang buhay ay nandiyan sila.

Pastor Junie Josue is Senior Pastor of International Worship Centre at 1077 St. James St. (Worship Services: Sundays, 9 a.m. Tagalog, 10:45 a.m. and 6:30p.m. English services) and Kildonan Place at 1555 Regent Avenue (Worship Service: 10:30 a.m. English) and host of radio program Higher Life on CKJS 810 AM, Monday to Friday, 8:50 a.m. For more information call 774-4478.

Have a comment on this article? Send us your feedback.

Ang biblia: ang manual ng buhay

$
0
0
Pastor Junie Josue     

Ang biblia: ang manual ng buhay

Lahat tayo ay mamimili kung anong pagbabasehan ng ating buhay. Maaari nating piliin na mamuhay ayon sa gusto ng ating puso. Pero iyon nga ba ang pinakamainam na paraan na mabuhay? Ang sabi sa biblia sa aklat ng Kawikaan 28:26, “Ang nagtitiwala sa sariling kakayahan ay mangmang ngunit ang sumusunod sa karunungan ay maliligtas.”

High tech na tayo ngayon. Narating na ng tao ang buwan. Marami ng bagay ang naimbento na noon ay halos hindi natin maisip na magiging posible. Ngayon maaari na tayong makipag-usap sa tao kahit saang lupalop ng mundo sa ilang segundo lamang sa pamamagitan ng Internet. Pero may mga bagay na hindi pa rin lubusang malaman at maunawaan ng matatalinong tao.

Hanggang ngayon hindi pa natin masugpo nang tuluyan ang cancer. Hindi natin lubusang maipaliwanag kung paano nag-umpisa ang ating daigdig, kung paano nabubuo ang isang buhay sa sinapupunan ng babae. Ayaw man aminin ng iba, mayroong mas higit na marunong sa tao at iyan ay walang iba kundi ang Diyos na siyang lumikha sa atin at sa buong langit at lupa.

Pagkakatiwalaan ba natin ang isang taong hindi nakapagtapos ng kurso sa medisina na operahan tayo? Lalapit ba tayo sa isang taong hindi nag-aral ng pagka-abogado na ipaglaban ang ating kaso sa korte?

Natural lamang sa atin ng maghanap ng the best. Kaya nga kapag bumibili tayo ng mga appliances, nagtatanong tayo kung ano ang pinakamahusay na tatak, yong matibay at maganda ang disenyo. Kung kaya ng ating budget, hahanap tayo ng bahay na bago at maganda at nasa tahimik na lugar. Sakit sa ulo kasi ang magpagawa ng mga sira sa bahay. Magbabayad tayo kahit na mataas ang presyo ng abogado maipanalo lang ang ating kaso. Gagastos tayo sa Pilipinas noon kahit malaking pera para makakuha ng magaling na doktor masigurado lang nating buhay tayong lalabas sa operating room.

Kung gusto natin ng the best sa ating buhay, hindi na tayo kailangan pang magbasa ng horoscope para gabayan tayo. Huwag na rin natin kailangan pang mag-aksaya ng pera sa pagbayad sa mga manghuhula na lumuloko lang sa atin. Ang Diyos at ang biblia ang kunsultahin natin sa lahat ng aspeto ng ating buhay.

Alam n’yo ba na ang biblia ay naglalaman ng mayayamang katuruan tungkol sa iba’t ibang bagay sa ating pamumuhay tulad sa pag-aasawa, sa tamang paggamit ng pera, sa wastong pagtrato sa ating kapwa, at sa pagharap sa tukso at problema?.

Sa pagbabasa ng biblia, nakikila natin ang Diyos. Ipinahahayag dito ang kaniyang pag-ibig sa atin at ang kaniyang kalooban. Punong-puno rin ang biblia ng mga pangako ng Diyos na maaari natin panghawakan kung tumutupad tayo sa kasunduan. Para itong legal na dokumento na nagsasaad ng mga kayamanang mamanahin mula sa Diyos at ang tanging makapag-aangkin nito ay ang mga nananalig sa kaniyang mga salita

Ang Diyos ang nakakaalam ng tamang landas na dapat nating lakaran. Siya ang magtuturo sa atin na magkaroon ng buhay na sagana at payapa. At hindi tulad ng doktor at abogado na kailangan pa nating bayaran ng malaki makuha lang ang kanilang serbisyo at panahon at kung minsan ay kailangan pa tayong maghintay ng matagal dahil sa kabisihan nila, ang Diyos ay laging handang lumapit sa mga tumatawag at nagtitiwala sa Kaniya. Hindi niya kailangan ang ating pera. Ang tanging nais niya ay ang ating buong pusong nagtitiwala at nagpapasakop sa kaniyang kalooban.

Ayon sa biblia sa aklat ng Kawikaan 3:5-6, “Sa Diyos ka magtiwala ng buong puso at huwag kang magtiwala sa sarili mong karunungan. Siya ang sangguniin mo sa lahat mong mga balak at kaniya kang gagabayan sa lahat ng iyong lakad.”

Kaibigan, limitado ang kaalaman natin bilang tao. Hindi natin alam kung ano ang mangyayari sa mga susunod na araw. Kaya’t tama lang na paggabay tayo sa Diyos na nakakaalam ng lahat ng bagay.

Pastor Junie Josue is Senior Pastor of International Worship Centre at 1077 St. James St. (Worship Services: Sundays, 9 a.m. Tagalog, 10:45 a.m. and 6:30p.m. English services) and Kildonan Place at 1555 Regent Avenue (Worship Service: 10:30 a.m. English) and host of radio program Higher Life on CKJS 810 AM, Monday to Friday, 8:50 a.m. For more information call 774-4478.

Have a comment on this article? Send us your feedback.

Manigurado hanggang sa huli

$
0
0
Pastor Junie Josue     

Manigurado hanggang sa huli

Isa sa kinakatakutan ng tao ay ang kamatayan. Marami tayong katanungan tungkol dito. Ang isa pang nagbibigay kaba sa atin ay hindi natin alam kung kailan tayo lilisan dito sa mundo. Ang sabi nga sa biblia sa aklat ng Mangangaral 8:7-8, “Walang makapagsasabi kung ano ang maaaring mangyari at kung papaano ito magaganap. Kung papaanong hindi mapipigil ng tao ang hangin, gayon din naman hindi niya mapipigil ang panahon ng kamatayan.”

Kapag nagbibiyahe tayo sa ibang lugar, mas kampante tayong makisama sa mga tour guide o sa mga taong nakarating na sa lugar na iyon. Hindi kasi tayo maliligaw sa mga pasikut-pasikot at makikita pa natin ang mga magagandang tanawin na baka ma-miss natin kung nag-iisa lamang tayo sa biyahe. Hindi pa tayo maloloko ng mga ibang katutubo sa lugar na iyon na nangbibiktima ng mga dayuhan dahil mapapayuhan tayo ng mga tour guide.

Aminin man natin o hindi, marami sa atin ang takot sa kamatayan dahil hindi tayo sigurado kung saan ang ating destinasyon. Dahil sa mas madali ang pera dito sa Canada kesa sa Pilipinas, mas marami sa atin ang nagseseguro na may puntod nang nakahanda sakaling dumating na ang ating pagpanaw. Pero paano naman ang paghahanda natin sa kabilang buhay?

May isang businessman na nagpalaki ng kaniyang negosyo. Lumakas ang kaniyang benta sa puntong kinakailangan na niya ng mas malaking warehouse at sales office. Kahit na hirap siya sa paglipat, nagdaos pa rin siya ng selebrasyon. Dahil doon, nagpadala ang ilan niyang mga kaibigan ng mga bulaklak noong grand opening ng kaniyang negosyo. Isa sa natangggap niya ay may kalakip na card na nagsasabing, “Ang aking simpatiya ay nasa sa iyo sa panahon ng iyong pagdadalamhati.” Tumawag ang nagpadala ng bulaklak na iyon sa businessman para tanungin kung natanggap niya ang mga bulaklak. Nagtatakang nagtanong ang businessman kung bakit ganoon ang nakalagay sa card. Hindi rin alam ng kaibigan kung anong nangyari kaya’t kaagad-agad pumunta ito sa flower shop para humingi ng paliwanag. Ito ang sabi ng may-ari ng flower shop, “Humihingi ako ng paumanhin sa iyo dahil hindi sinasadyang nagkapalit kayo ng order ng isang customer. Pero sana ay maunawaan mo ako. Mabuti nga’t ganiyan lang nangyari sa iyo. Sa punenarya, kung saan napadala ko ang inorder mong bulaklak, ang natanggap ng mga tao doon para sa kanilang patay ay may kalakip na kard na nagsasabing “Best wishes sa bago mong lokasyon.”

Saan tayo aasa para sa kasiguraduhan sa kabilang buhay? Sa kapalaran ba? Kaibigan, maasahan natin ang pangako ng Panginoong Hesus. Higit pa sa isang tour guide, magagabayan at maaakay niya tayo tungo sa buhay na walang hanggan. Hindi tayo kayang lokohin at iligaw sa landas ng mga kampon ng kadiliman kung kasama natin si Hesus.

Sa biblia, mababasa natin ang mga salitang binitiwan ni Hesus sa atin. Sa Juan 5:24, “Ang nakikinig sa aking salita at nananalig sa nagsugo sa akin (tinutukoy dito ang Diyos Ama) ay may buhay na walang hanggan. Hindi na siya hahatulan kundi inilipat na siya sa buhay mula sa kamatayan. At sa Juan 11:25 ang sabi ni Hesus, “Ako ang muling pagkabuhay at buhay. Ang mananalig sa akin, kahit mamatay, ay muling mabubuhay.” At sa Pahayag 1:17-18, ito naman ang wika ni Hesus, “Huwag kang matakot. Ako ang simula at ang wakas. Namatay ako ngunit ako’y buhay ngayon at mananatiling buhay magpakailanman. Nasa ilalim ng kapangyarihan ko ang kamatayan at ang daigdig ng mga patay.”

Kaibigan, kung pumipirma tayo sa mga funeral plan, bakit hindi tayo makipagkontrata rin kay Hesus at magpasakop sa Kaniya bilang ating Panginoon at tagapagligtas nang masigurado natin ang ating destinasyon sa kabilang buhay at hindi tayo matakot sa harap ng kamatayan?

Pastor Junie Josue is Senior Pastor of International Worship Centre at 1077 St. James St. (Worship Services: Sundays, 9 a.m. Tagalog, 10:45 a.m. and 6:30p.m. English services) and Kildonan Place at 1555 Regent Avenue (Worship Service: 10:30 a.m. English) and host of radio program Higher Life on CKJS 810 AM, Monday to Friday, 8:50 a.m. For more information call 774-4478.

Have a comment on this article? Send us your feedback.

Tunog ng kapaskuhan

$
0
0
Pastor Junie Josue     

Tunog ng kapaskuhan

Sa kapaskuhan ngayon, iba’t ibang tunog ang ating naririnig – mga tunog ng bells, mga awiting pamasko mula sa radyo o mga choir na nagkakantahan, at mga tawanan at halakhakan ng mga mga dumadalo sa mga Christmas party. Sa kabila ng mga masasayang tunog, hindi rin natin maiwasang makarinig ng ibang tunog – ang tunog ng paghihirap at dalamhati ng ilan sa atin.

Andiyan ang iyak ng mga taong nasalanta ng bagyong Sandy sa America. Itong Pasko, marami sa kanila ang walang sariling bahay na masisilungan. Andiyan din ang tunog ng mga putukan ng baril at pagsabog ng mga granada mula sa iba’t ibang bayan na patuloy na nakikipagdigmaan kahit na sa panahon ng kapaskuhan. Andiyan din ang iyak ng walang trabaho dahil na lay-off o wala pa ring mahanap na trabaho. Andiyan ang hikbi ng mga magdidiwang ng Pasko na hindi kapiling ang kanilang mga mahal sa buhay.

Kung babalikan natin ang unang Kapaskuhan, dalawang libong taong nakakaraan, makakarinig din tayo ng iba’t ibang tunog tulad ngayon. Andoon ang iba’t ibang ingay na mga hayop sa kani-kanilang kulungan. Andoon ang tunog ng mga anghel na umaawit sa kalangitan dahil sa pagdiriwang nila sa kapanganakan ng Dakilang Tagapagligtas ng mundo. Andoon din ang ingay ng mga pastol na sabik na makita ang sanggol na si Hesus at siguradong andoon din ang tunog ng malambing at malumanay na tinig ni Maria habang umaawit para patulugin ang kaniyang espesyal na sanggol.

Pero ang mga masasaya at sabik na ingay ay napalitan ng mababagsik na sigaw ng mga sundalo, ng mga iyak ng mga batang lalaki at ng mga pagdadalamhati ng mga magulang na namatayan ng mga lalaking anak. Sa biblia sa aklat ng Mateo, mababasa na pinag-utos ng haring si Herod na patayin ang mga batang lalaking dalawang taong gulang at pababa. Nalaman niya kasi mula sa tatlong mago na may sanggol na lalaking sinilang na isa ring hari. Sa takot na maagawan ng trono, dinaan ni Herod sa dahas ang mga bagay bagay.

Noong gabi na tinakdang pagpatay sa mga sanggol, nagpakita ang isang anghel kay Joseph sa isang panaginip at sinabi nito, “Bumangon ka. Kunin mo ang bata at ang kaniyang ina at tumakas ka sa Egypt. Manatili kayo doon hanggang makarinig ka muli mula sa akin.” Hinahanap ni Herod ang bata para patayin ito. Kayat bumangon nga si Joseph, kinuha ang bata at ang ina nito noong gabi at umalis sila tungong Egypt. Nanatili sila roon hanggang namatay ang haring si Herod. Noong unang kapaskuhan, nakaranas din ng paghihirap at pagdadalamhati ang ibang tao tulad ng ilan sa ating ngayon.

Totoong hindi mawawala ang paghihirap sa mundo hanggang sa kasalukuyan pero andiyan ang Diyos na nangakong magiging kaagapay natin anuman ang panahon sa ating buhay. Dumating si Cristo sa mundong naghihirap. Dumating siya para bigyan tayo ng pag-asa na may magandang kinabukasang naghihintay para sa atin.

Nauunawaan ko kung bakit hindi makapagdiwang ang iba ngayong Pasko. Marahil dahil sa mga kahirapang kanilang kasalukuyang dinaranas. Nalay-off sa trabaho. Nawasak ang pamilya. Nagkasakit ng malubha ang mahal sa buhay. Pero huwag na huwag nating kalilimutan na ang Pasko ay tungkol sa pagbaba ng Panginoong Hesus na siyang anak ng Diyos sa lupa upang makiisa sa atin, upang makapiling tayo anuman ang kalagayan natin sa buhay. Kaya nga ang isa sa kaniyang pangalan ay “Emmanuel” na nangangahulugang kasama natin ang Diyos. Hindi ba mas gumagaan ang ating buhay kapag alam nating hindi tayo nag-iisa, na may kaakibat tayo sa panahon ng kahirapan?

At itinakda na bago pa man ipinanganak ang sanggol na si Hesus na siya ay mamatay sa krus para sa kabayaran ng ating mga kasalanan, para wasakin at sugpuin ang gawain ng demonyo at upang tayo’y magkaroon ng masaganang buhay hindi lamang dito sa ibabaw ng lupa kundi pati na sa kabilang buhay.

Kayat ngayong Pasko, pagtuunan natin ng pansin ang tunay na kadahilanan ng Pasko at kapag ito’y ginawa natin, sigurado akong makakadama tayo ng kagaanan sa buhay. Sa aking pagtatapos, nais kong anyayahan kayo sa aming service sa bisperas ng Pasko at Bagong Taon. Pareho itong gaganapin sa 1077 St. James Street 7:00 ng gabi. Magkita-kita tayo doon.

Pastor Junie Josue is Senior Pastor of International Worship Centre at 1077 St. James St. (Worship Services: Sundays, 9 a.m. Tagalog, 10:45 a.m. and 6:30p.m. English services) and Kildonan Place at 1555 Regent Avenue (Worship Service: 10:30 a.m. English) and host of radio program Higher Life on CKJS 810 AM, Monday to Friday, 8:50 a.m. For more information call 774-4478.

Have a comment on this article? Send us your feedback.


Matibay na pag-iibigan

$
0
0

Heavenly Connection by Pastor Junie JosueMatibay na pag-iibigan

Ano nga ba ang sekreto ng mahaba at magandang pagsasamahan ng mag-asawa?Ang sabi ng iba basta buhay ang romansa, okay na. Totoong ipinagkaloob ng Panginoon ng sex sa mag-asawa para kanilang enjoyin at bilang isang paraan para magka-anak at magtayo ng pamilya pero paano na kung nangangatog na ang ating mga tuhod at mahina na ang ating mga katawan? Kung maging magkaibigan daw ang mag-asawa, okay na. Pero hindi ba nangangailangan din ang mga mister na kaibigan lalaki at ang mga misis ng kaibigang babae? May mga bagay na hindi mauunawaan at mae-enjoy ng aking misis dahil panlalaki lang ang mga ito. Gayundin sa kaniya. Hindi mapipilit ng mga misis na palagi silang samahan ng kanilang mister sa pagsho-shopping at pagpunta sa beauty parlour. Sabi ng iba, ang pagkakaroon ng anak ang lalong magpapalapit sa mag-aasawa. May katotohanan sa bagay na iyan dahil dalawa kayo ng inyong asawa na bumabalikat sa pag-aalaga, pagpapalaki at pagdidisiplina ng inyong mga anak. Pero paano na kung lumaki na sila, umalis na ng inyong bahay, nagsipag-asawa at kayo na lamang muling dalawa?

Ayon sa biblia sa 1 Juan 3:16: “Dito natin nakikilala ang tunay na pag-ibig: inalay ni Kristo ang kaniyang buhay dahil sa atin. Dapat din nating ialay ang ating buhay dahil sa mga kapatid.”

Ganoon na lamang kadakila ang pag-ibig ni Kristo sa ating lahat na ialay niya ang kaniyang buhay sa krus para sa ating kaligtasan. Ang pag-aasawa ay isang pagkakataon para ang ating pagiging makasarili ay mamatay. Minsan pinagmamalaki ng mga asawa na handa nilang salubungin ang bala maligtas lamang ang mahal nila sa buhay pero bakit kaya hindi nila kayang i-give up ang kanilang mga bisyo at paggu-good time para magkaroon sila ng panahon sa kanilang maybahay?

Magandang halimbawa ang ipinakita ng Panginoon patungkol sa tunay na pag-ibig. Ang pag-ibig na inalay ni Kristo ay walang kondisyon. Ang sabi sa biblia sa Roma 5:7-8 “Mahirap mangyaring ialay ninuman ang kaniyang buhay alang alang sa isang taong matuwid bagamat maaaring may mangahas na gumawa nito alang-alang sa isang mabuting tao. Ngunit ipinakita ng Diyos ang kaniyang pag-ibig sa atin nang namatay si Kristo para sa atin noong tayo’y makasalanan pa.” Sa pag-aasawa, handa dapat tayong tanggapin hindi lamang ang kalakasan, kabutihan at magagandang bagay patungkol sa ating mga asawa kundi pati na rin ang kanilang mga kahinaan at kakulangan.

Ang pag-ibig ay hindi lamang sa salita kundi pati sa gawa. Ang sabi sa biblia sa 1 Juan 3:18 “Huwag tayong umibig sa pamamagitan ng salita o wika lamang. Ipakita natin ang tunay na pag-ibig sa pamamagitan ng gawa.” Isa sa pangakong binibitawan ng mga nag-aasawa ay ang pagsasama nila sa panahon ng kalusugan at karamdaman. Sa pelikulang A Vow to Cherish, naging totoo si John sa kaniyang pangako sa kaniyang misis ng ito’y magkaroon ng Alzheimer’s disease. Siya ang nag-alaga sa kaniyang kabiyak. Palala nang palala ang sakit nito at halos maubos ang oras, pasensiya at lakas niya sa pag-aalaga sa misis. Ang masaklap pa ay hindi na siya nakikilala ng kaniyang misis. Dumating din ang tukso sa buhay ni John nang makakilala siya ng isang babae na nakakasalubong niya kapag siya’y nagjo-jogging. Pero pinili niyang manatiling tapat sa kaniyang misis hanggang sa huli kahit na alam niyang himala na lamang na gumaling ito.

Hindi madaling umibig nang tunay. Hindi madaling tumupad sa mga binitawan nating pangako sa ating mga asawa lalo na sa panahon ng krisis. Ang sabi sa biblia sa 1 Juan 4:7 “Mag-ibigan tayo sapagkat mula sa Diyos ang pag-ibig. Ang bawat umiibig ay anak ng Diyos at kumikilala sa Diyos pagkat ang Diyos ang pag-ibig” Kung nais nating matututong umibig sa ating kapwa, tanggapin at damhin muna natin ang pag-ibig ng Diyos. Kung naunawaan na natin na inibig at tinatanggap tayo ng Diyos kahit sino pa tayo o anuman ang ating nakaraan, madali para sa atin na ibigin at tanggapin ang ating kabiyak.

Pastor Junie Josue is Senior Pastor of International Worship Centre (IWC) at 1077 St. James St. (Worship Services: Sundays- 9 a.m. Tagalog, 10:45 a.m. English service). Other IWC English worship services every Sunday are also held at the following sites: Cineplex Entertainment, Kildonan Place at 1555 Regent Avenue at 10:30 a.m. & Cinema City Northgate at 1399 McPhillips St. at 10:15 a.m. Pastor Junie is also host of radio program Higher Life on CKJS 810 AM, Monday to Friday, 8:50 a.m. For more inform&ation, call 774-4478.

Have a comment on this article? Send us your feedback.

Bilang ganti sa kaniyang kabutihan

$
0
0

Heavenly Connection ni Pastor Junie JosueBilang ganti sa kaniyang kabutihan

By Pastor Junie Josue

“Mata sa mata, ngipin sa ngipin!” “Tama lang na magdusa siya sa kaniyang kasalanan!” “Parusa ang nararapat sa mga nagkasala.” “Pagbayaran mo ang ginawa mo!” Iyan ang mga katagang karaniwang sinasabi natin sa mga taong nagkasala sa atin.

Nagkasala ang tao kay Hesus. Siya ay inakusahan na isang kriminal kahit na siya ay inosente. Siya ay ininsulto, sinaktan, pinapatay ng mga taong pinakitaan niya’t ginawan ng kabutihan. Pero hindi niya inisip na gantihan ang mga tao. Kahit na siya ay may kapangyarihan, hindi niya inutusan ang mga anghel na pagpapatayin ang mga may kinalaman sa kaniyang paghihirap sa krus. Hindi niya binalaan ang mga ito ng kaniyang paghihiganti. Kakaiba ang kaniyang sinabi. Ayon sa bilia sa Lukas 23:24, ito ang sinabi ng Panginoon “Diyos Ama, patawarin mo sila sapagkat hindi nila alam ang kanilang ginagawa.”

May isang taong umutang ng napakalaking halaga mula sa isang bilyonaryong negosyante para magtayo ng isang negosyo pero hindi nagtagumpay ang negosyo. Nabaon pa ang taong ito sa utang at hindi niya alam kung paano bayaran ang mayamang negosyante. Nang pumunta na siya sa opisina nito para sabihin ang totoo, handa na siya sa galit nito. Malamang na ipakulong siya nito pero wala na siyang magawa, Inamin na niya ang totoo. Laking gulat niya nang sinabi ng bilyonaryo na talagang ganiya ang negosyo, minsan nalulugi, minsan tumitiba. Halos hindi siya makapaniwala nang sabihin ng milyonaryo na ituring na lamang nila itong isang karanasan na kapupulutan ng aral. Absuwelto na siya sa kaniyang utang! Walang tigil ang pasasalamat ng lalaki sa milyonaryo. Hindi siya karapat-dapat patawarin pero nakatanggap siya ng kapatawaran.

Bilang mga Pinoy, magaling tayong tumanaw ng utang na loob. Hindi natin nalilimutan ang mga taong gumawa sa ating ng kabutihan. Hindi natin nalilimutan ang mga taong nagligtas sa buhay ng ating anak. Walang hinto ang ating pasasalamat sa ating asawang nagpatawad sa atin kahit na tayo ay nanloko. Pero naisip na ba natin na higit sa ilang milyong dolyares ang inabsuwelto sa atin ng Panginoon? Higit sa buhay sa lupa ang pinagkaloob sa atin ni Hesus nang pinako siya sa krus. Hindi lamang isa ngunit lahat ng ating kasalanan ang pinatawad at kaya niyang patawarin.

Ito ang sabi sa biblia sa Isaias 53 “Tiniis niya ang hirap na tayo dapat ang magdanas. Gayundin ang kirot na tayo sana ang lumasap. Dahil sa ating mga kasalanan kaya siya nasugatan. Siya ay binugbog dahil sa ating kasamaan. Tayo ay gumaling dahil sa pahirap na tinamo niya at sa mga hampas na kaniyang tinanggap. Tayong lahat ay parang mga tupang naligaw. Nagkaniya-kaniya tayo ng landas. Ngunit pinili ng Diyos na sa kaniya (Hesus) ipataw ang parusang tayo ang dapat tumangap.”

Kaibigan, hindi biro ang ipinambayad ni Hesus para sa kapatawaran ng ating kasalanan. Hindi biro ang tiniis niyang hirap para hindi tayo maparusahan ngayon at sa kabilang buhay. Binigyan niya rin tayo ng halimbawa para magpatawad ng mga taong nagkasala sa atin. Panahon na para tanawin natin bilang malaking utang na loob ang ginawa sa atin ng Panginoon. Bigyan halaga natin ang ginawa niyang paghihirap sa krus. Ipaubaya natin ang ating buhay sa kaniyang pamumuno at paggabay. Nakaranas tayo ng kapatwaran para sa mga kasalanang hindi natin kayang pagbayaran, kayat magpatawad rin tayo sa mga nagkasala sa atin. Nakaranas tayo ng pag-ibig kahit hindi tayo karapat-dapat gayundin ang gawin natin sa ating kapuwa kahit na sa tingin nati’y hindi sila dapat pag-ukulan ng pansin. Ang sabi sa biblia sa Efeso 4:32 “Maging mabait kayo at maawain sa isa’t isa at magpatawaran tulad ng pagpapatawad sa inyo ng Diyos sa pamamagitan ni Kristo.”

Pastor Junie Josue is Senior Pastor of International Worship Centre (IWC) at 1077 St. James St. (Worship Services: Sundays- 9 a.m. Tagalog, 10:45 a.m. English service). Other IWC English worship services every Sunday are also held at the following sites: Cineplex Entertainment, Kildonan Place at 1555 Regent Avenue at 10:30 a.m. & Cinema City Northgate at 1399 McPhillips St. at 10:15 a.m. Pastor Junie is also host of radio program Higher Life on CKJS 810 AM, Monday to Friday, 8:50 a.m. For more inform&ation, call 774-4478.

Have a comment on this article? Send us your feedback.

Huwag mapikon para sa inyong kabutihan

$
0
0

Heavenly Connection ni Pastor Junie JosueHuwag mapikon para sa inyong kabutihan

By Pastor Junie Josue

May kasabihang “Bato bato sa langit, tamaan huwag magalit.” Ito ay naging bukambibig ng mga Pinoy na nagtuturo, nagbibigay ng opinyon o nagkokomento tungkol sa mga bagay bagay. Ang kasabihang ito ay nagsisilbing paalaala sa mga tagapakinig o mambabasa na kung sa palagay nila, sila ang tinutukoy ng tagapagsalita o ng manunulat, ito ay hindi sinasadya, nagkataon lamang at hinihingi lamang ng pagkakataon dahil ayon sa mga nagsasalita o manunulat sila ay walang intensyong makasakit ng damdamin.

Ayon sa aking nabasa, ang salitang bato bato ay isang bato na ginagamit na pambato at kapag ito ay inihagis pataas papuntang langit, ito ay wala namang talagang pinatatamaan. At alam natin na ang batong iniitsang pataas ay babagsak din sa lupa dahil sa force na sa science ay tinatawag na gravity pero kung minsan ang batong ito ay tatama sa isang tao nang hindi sinasadya.

Kilala ang Panginoong Hesus bilang guro at mangangaral at tahasang siyang mangaral ng salita ng Diyos. Ang itim ay itim at ang puti ay puti. Hindi siya nangingimi sa kaniyang pananalita. Gumagamit siya ng mga salitang “mapag-imbabaw,” “hangal,” “anak ng ulupong,” “makasalanan,” para ilarawan ang ilang uri ng mga taong hindi mabuti ang ugali. Hindi siya nag-atubiling pangaralan ang mga tao at sabihin kung ano ang kahihinatnan nila kapag sila ay nagpatuloy sa kanilang mga baluktot na pamumuhay.

Nangaral siyang nang may buong katapangan dahil sa kaniyang masidhing pagnanais na matutunan ng mga tao ang kanilang kamalian, magsisisi sa kanilang kasalanan at lumapit sa Diyos. Alam kasi niya ang malagim na kahihinatnan ng mga taong nagpapatuloy sa kanilang maling pamumuhay. Dahil dito, iba’t iba ang naging reaksyon ng mga tao sa Kaniya.

May mga nagalit. Ang una dito ay ang mga pinuno ng relihiyon ng mga Israelita. Dahil sa kanilang pride, ayaw nilang may mapupuna sa kanila. At siyempre, malaking insulto sa kanila na ang isang hamak na karpenterong nagngangalang Hesus ang naglakas loob na pagsabihan sila.

Pero mayroon ding mga taong buong pagpapakumbabang tumanggap ng kaniyang mga pangaral. Nagsisi sila sa kanilang kasalanan at nagbagong buhay sila. At sila nga ay tunay na pinagpala ng Diyos. Alam nilang may buhay na walang hanggan na naghihintay sa kanila sa kabilang buhay.

Sa lugar kung saan nakatirik ang balon ni Jacob, nakilala ng isang Samaritana si Hesus. Nagulat ang babae ng tahasang sinabi ng Panginoon na nagkaroon na ang babae ito ng limang asawa at ang kinakasama niya ngayon ay hindi niya asawa. Nagulat siyempre ang babaeng ito dahil wala siyang maitatago mula kay Hesus. Pero sa halip na magalit, siya ay nanampalataya sa Panginoon dahil nalaman niyang hindi pangkaraniwang tao si Hesus. Tinanggap ng babae ang sinabi ng Panginoon at ako ay naniniwala na ito ang pasimula ng kaniyang pagbabagong buhay.

Kung ang isang tao ay may malalang sakit tulad ng cancer, hindi naman tama na itago ito ng doktor dahil sa takot ng doktor na mapagalitan siya na pasyente niya. Paano magpapagamot ang tao at magkakaroon ng pagkakataong gumaling kung wala siyang kaalam-alam sa kaniyang kalagayan? Gayundin tayo; may mga bagay sa ating puso o ugali na maaaring hindi natin alam ay kailangang baguhin. Kapag pinagsabihan tayo ng ating kapuwa, buong puso tanggapin natin ito para sa ating ikabubuti. At kapag nakikinig tayo ng salita ng Diyos o nagbabasa tayo ng biblia, buksan natin ang ating puso upang tumanggap sa anumang nais sabihin sa atin ng Diyos dahil sigurado tayong ito ay para sa ating kapakanan.

Pastor Junie Josue is Senior Pastor of International Worship Centre (IWC) at 1077 St. James St. (Worship Services: Sundays- 9 a.m. Tagalog, 10:45 a.m. English service). Other IWC English worship services every Sunday are also held at the following sites: Cineplex Entertainment, Kildonan Place at 1555 Regent Avenue at 10:30 a.m. & Cinema City Northgate at 1399 McPhillips St. at 10:15 a.m. Pastor Junie is also host of radio program Higher Life on CKJS 810 AM, Monday to Friday, 8:50 a.m. For more information, call 774-4478.

Have a comment on this article? Send us your feedback.

Bahala na

$
0
0

Heavenly Connection ni Pastor Junie JosueBahala na

By Pastor Junie Josue

Bahala na! Iyan ang mga salitang naririnig natin sa mga taong pumapasok sa alanganing relasyon, sa mga taong patuloy na nagtatapon ng pera sa pamimili ng mamahaling gamit o sa kanilang layaw o sa pagka-casino kahit ubos na pati mga naipong pera. Iyan din ang sinasabi ng mga taong nagpapatuloy sa masamang bisyo.

Ang kaugaliang bahala na ay nakapokus lamang sa ngayon, sa sarap at ginhawang mararamdaman sa pangkasalukuyan. Ang kaugaliang ito ay bulag at bingi sa maaring magiging epekto o resulta ng kanilang ginagawa sa kanilang sarili at sa ibang tao. Hindi nila naiisip ang pamilyang nawawasak dahil sa paglusong nila sa bawal na relasyon, ang sakit na maaari nilang makuha dahil sa isang masamang bisyo, ang mga nawaldas na pera na para sana sa pag-aaral sa kolehiyo ng mga anak nila, ang mga sakit sa loob at sugat sa puso na nararanasan o mararanasan ng mga mahal nila sa buhay dahil sa kanilang pagpapabaya.

At natural, nasa huli ang pagsisisi. Karaniwan, kailangan pang makaranas tayo ng masasakit at mapapait na pangyayari sa buhay natin bago matauhan. Ang kuwento ni Samson ay mababasa sa biblia. Bago pa ipinanganak si Samson, pinili na siya ng Diyos para sa isang dakilang misyon, ang maging tagapagtanggol ng bayang Israel. Sinabi ng Diyos sa kaniyang ina ang mga alituntunin na dapat sundin ni Samson sa kaniyang buhay bilang hinirang ng Diyos na siya namang itinuro ng kaniyang mga magulang sa kaniya. Lumaki ang bata na patuloy na pinagpapala ng Diyos. Binigyan siya ng Diyos ng pambihirang kalakasan para kalabanin ang kaaway nilang bayan.

Ngunit may isang hindi magandang ugali si Samson. Mahilig siya sa tsiks. Dahil sa kagustuhan niyang masunod ang layaw niya sa babae, binabale-wala niya ang tungkulin niya mula sa Diyos at ang mga kautusang dapat niyang sundin. Hindi maaring makipagrelasyon ang isang Israelitang katulad niya na sumasamba sa tunay na Diyos sa hindi niya tagabayan na sumasamba sa diyus-diyusan dahil malaki ang tsansang aakayin lamang siya nito palayo sa tunay na Diyos.

Pero madalas nananaig ang hilig ni Samson sa tsiks. Tuwing naaakit siya sa isang babae, tiyak sinasabi niyang, “Bahala na, mapasaakin lang ang babaeng ito.” Ganoon nga ang kaniyang ginawa. Nagpakasal siya sa isang babae na mula sa kaaway nilang bayan. Walang nagawa ang kaniyang mga magulang.

Pero hindi nagtagal, binigay ng ama ng babae ang kaniyang anak sa kaniyang best man. Nagpatuloy si Samson sa ugaling “bahala na.” Hindi pa rin natuto, pumatol siya sa isang babaeng nagbebenta ng panandaliang aliw na mula rin sa kaaway nilang bayan. Ang pangalan niya ay Delilah. Hindi nagtagal, pinagkanulo siya ni Delilah at ibinunyag ang sekreto ng kaniyang lakas sa kaniyang mga kaaway. Nagupo siya ng kaniyang mga kaaway, tinanggalan siya ng mata at ginawang alipin. Ang dating tagapagtanggol ng bayang Israel ay naging katawa-tawa sa mata ng kaniyang mga kaaway. Nasayang ang dakilang panawagan ni Samson dahil pinairal niya ang ugaling “bahala na.”

Kaibigan, hanggang kailan natin paiiralin ang ugaling “bahala na.” Hihintayin pa po ba nating humantong sa malala ang situwasyon tulad ng nangyari kay Samson bago tayo matauhan? Hindi rin natin puwedeng ipagpabahala ang ating ugnayan sa Diyos dahil sa ayaw man natin o gusto, may naghihintay na paghuhukom sa atin kapag tayo’y pumanaw. Pananagutan natin ang mga bagay na ating ginawa sa ating kapwa at sa Panginoon. Kaya’t sa halip na mamuhay sa kaugaliang “bahala na,” ipaubaya natin ang ating buhay sa Diyos. Hayaan natin siyang maghari sa atin. Paggabay tayo sa kaniya. Hayaang nating linisin niya ang ating puso. At kapag ang Diyos na ang bahala sa atin, siguradong panalo tayo.

Pastor Junie Josue is Senior Pastor of International Worship Centre (IWC) at 1077 St. James St. (Worship Services: Sundays- 9 a.m. Tagalog, 10:45 a.m. English service). Other IWC English worship services every Sunday are also held at the following sites: Cineplex Entertainment, Kildonan Place at 1555 Regent Avenue at 10:30 a.m. & Cinema City Northgate at 1399 McPhillips St. at 10:15 a.m. Pastor Junie is also host of radio program Higher Life on CKJS 810 AM, Monday to Friday, 8:50 a.m. For more information, call 774-4478.

Have a comment on this article? Send us your feedback.

Isang bagay na hindi kayang gawin ng Diyos

$
0
0

Heavenly Connection ni Pastor Junie JosueIsang bagay na hindi kayang gawin ng Diyos

By Pastor Junie Josue

Makapangyarihan ang Diyos. Siya ang lumikha ng langit at lupa. Marami siyang nagagawang himala. Mababasa natin sa biblia kung paanong nalipol niya ang hindi mabilang na mga kaaway na Israelita na tinuturing na piniling bayan ng Diyos. Nabubuhay ang mga patay at gumagaling ang mga may sakit sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan. Maging ang kalikasan ay nasa ilalim ng kaniyang kapangyarihan sa pamamagitan lamang ng kaniyang salita, tumitila ang bagyo. Nakakagawa rin siya ng tuyong lupa sa gitna ng karagatan.

Pero alam niyo bang sa kabila ng kapangyarihan ng Diyos, hindi niya kayang tumanggi sa sinumang lumalapit nang buong puso at pagpapakumbaba sa Kaniya? Hindi siya naninimbang kung mayaman o mahirap ang mga taong ito. Hindi rin niya tinitingnan ang kulay o lahi o pinag-aralan ng mga taong tinutulungan niya. Hind rin siya naghihintay na mabayaran ang kaniyang kabutihan ng mga taong ito.

May mga kuwento sa biblia na nagpapatunay na hindi kaya ng Diyos na tanggihan ang sinumang lumalapit sa kaniya. Sa Lucas 17, mababasang nang papasok sa isang nayon si Hesus, siya’y sinalubong ng sampung ketongin. Tumigil sila sa malayu-layo at humiyaw ng, “Hesus, Panginoon, mahabag po kayo sa amin.” Ang mga ketongin noong unang panahon ay hindi katanggap-tanggap sa lipunan. Pinagbabawal silang makisama sa mga taong walang ketong. Sa halip na isnabin o pagalitan ni Hesus ang mga ketongin na ito dahil sa paglapit sa kaniya, buong habag na pinagaling sila ni Hesus. Hindi nakayanan ni Hesus na tanggihan ang kanilang pakiusap.

Hindi biro ang pumili at maghintay kaya’t naiinis tayo minsan kapag may mga taong sumisingit. Sa biblia, sa Marco 5, mababasa natin na pinaligiran si Hesus na maraming tao. May lumapit sa kaniya na isang pinuno ng simbahan ng mga Hudyo para humingi ng tulong. Malubha ang sakit ng anak nito at nais niyang puntahan ito ni Hesus para pagalingin. Kaya’t sumama si Hesus sa pinunong ito. Pero may isang babae roon ng labingdalawang taon nang dinurugo at sobra na ang paghihirap. Sari-saring doktor na ang nilapitan niya pero wala pa rin. Naubos na sa kapapagamot ang kaniyang mga ari-arian pero hindi pa rin siya gumaling-galing. Narinig niya sa mga tao na nagpapagaling si Hesus kayat nakipagsiksikan siya hanggang sa makalapit siya sa likuran ni Hesus at hinipo niya ang damit nito. Bigla ngang tumigil ang kaniyang pagdurugo! Naramdaman naman ni Hesus na may kapangyarihang lumabas sa kaniya. Nang madiskubre niyang ito’y dahil sa babaeng may sakit, nanginginig sa takot na nagpatirapa ang babae at sinabi niya kay Hesus ang buong katotohanan. Hindi nagalit si Hesus. Hindi siya nainis na sumingit ang babae at inantala ang kaniyang pakay na pumunta sa maysakit na anak ng isang pinuno ng simbahan. Dama niya ang desperadong kalagayan ng dinurugong babae. Humanga siya sa pagpupursige niya. Habag at pag-ibig ang nasa puso ni Hesus nang sinabi niya sa babae, “Anak, pinagaling ka ng iyong pananampalataya sa akin. Umuwi ka na’t ipanatag mo ang iyong kalooban. Magaling na magaling ka na.”

Kahit sa huling sandali sa buhay ni Hesus sa lupa, pinatunayan niyang hindi niya kayang tanggihan ang mga lumalapit sa kaniya. May kasamang dalawang kriminal si Hesus na nakapako sa krus na nasa kaliwa at kanan niya. Tinutuya ng isang kriminal si Hesus. Pinagtanggol naman ng isa ang Panginoon at sinabing walang kasamaang ginawa si Hesus. Pagkatapos niyang ipagtangggol si Hesus, nagmakaawa ito na alalahanin siya ng Panginoon kapag siya’y naghahari na sa langit. Alam ni Hesus na tanda ito ng pananampalataya sa Kaniya ng kriminal. Kayat nangako si Hesus na sa sandali ring yaon ay isasama niya ang taong ito sa langit.

Kaibigan, kung nais mong lumapit sa Diyos dahil sa pinagdaraanan mong krisis sa buhay, kung nais mo ng bagong buhay dahil sawa ka na sa dating gawi na wala namang kinahihinatnan, kung nangangailangan ka ng isang himala, o kung desperado na ang iyong kalagayan, bakit hindi ka lumapit sa Diyos? Huwag kang mag-alala, hindi ka mapapahiya, Siguradong makakatanggap ka ng tulong, habag at paggabay niya. Ayon sa bibilia sa Awit 46: 1, Ang Diyos ay ating kalakasan at handang saklolo sa kabagabagan.

Pastor Junie Josue is Senior Pastor of International Worship Centre (IWC) at 1077 St. James St. (Worship Services: Sundays- 9 a.m. Tagalog, 10:45 a.m. English service). Other IWC English worship services every Sunday are also held at the following sites: Cineplex Entertainment, Kildonan Place at 1555 Regent Avenue at 10:30 a.m. & Cinema City Northgate at 1399 McPhillips St. at 10:15 a.m. Pastor Junie is also host of radio program Higher Life on CKJS 810 AM, Monday to Friday, 8:50 a.m. For more information, call 774-4478.

Have a comment on this article? Send us your feedback.

Paano magpasalamat

$
0
0

Heavenly Connection ni Pastor Junie JosuePaano magpasalamat

By Pastor Junie Josue

May isang sulat na pinadala sa editor ng pahayagang Chicago Tribune na galing sa isang matandang lalaki. Kalilibing lamang ng asawa niya. Tumagal ang kanilang pagsasama ng apatnapung taon. Sa sulat, sinabi niya na pagkatapos ng libing at pagkaalis ng lahat ng mga tao, inikot niya ang kaniyang bahay nang sandali, pinagmasdan ang mga gamit na binili nila ng kaniyang yumaong asawa niya. Naaala niya ang apatnapung taong kapiling niya siya, ang apatnapung taong pagsasama at kaligayahan. “Dumaan kami sa mga panahong taghirap,” ang sabi niya sa sulat, “Pero hindi siya kailanman nagreklamo. Kahit mahirap ang pera, palagi siyang may hinahandang masarap at mainit na pagkain pagkauwi ko.” Dinagdag pa ng lalaki, “Pero hindi ko matandaan na kahit minsan man lamang ay nagsabi ako ng ‘thank you’ sa kaniya.”

May kasabihan tayo na kadalasan, nalalaman lamang natin ang halaga ng isang tao o isang bagay kapag ito ay wala na. Araw-araw kasama natin sa bahay ang ating asawa’t mga anak. Palagi nating nakikita ang ating mga kaibigan. Sila ang mga kasama natin sa buhay sa oras ng saya at sa oras ng lungkot. Sa panahon ng pangangailangan, sila ang ating takbuhan o ang mga taong sumusuporta sa atin. Ngunit minsan nababale-wala natin sila. Katuwiran natin, andiyan naman sila palagi, maiintindihan naman nilang busy tayo.

Alam niyo bang wala pang isang minuto para bigkasin ang salitang “salamat” o “thank you?” Napakaikling salita pero hindi mabibili ang ligaya ng taong nakakatanggap ng mga salitang ito. Hindi rin kayang bayaran ang kabutihang nagagawa ng pasasalamat sa pagsasama ng pamilya at magkakaibigan. Kaya’t bakit hindi natin ugaliin na palagiang pasalamatan ang ating mga mahal sa buhay? Huwag na nating hintayin na mahuli pa ang lahat bago natin ipahayag ang kanilang halaga sa ating buhay.

Paano naman natin mapasasalamatan nang husto ang Diyos? Noong Civil war sa America, tinalo ng Union army na taga North America ang confederate army na taga South. Tinanong si Presidente Abraham Lincoln kung paano bang tatratuhin ang mga rebeldeng mga taga South. Ang sagot ng mahabaging pangulo ay hindi inaasahan, “Akin silang tatratuhin na para bang hindi sila nagrebelde.”

Para tayong mga rebeldeng taga South na nagupo ng kaaway. Ang sabi ng biblia lahat tayo ay nagkasala at may nakaabang na kaparusahan at kamatayan sa atin. Ngunit ang sabi ni propetang Jeremias sa biblia sa aklat ng Panaghoy 3:22-23 na dahil sa walang kupas na kahabagan ng Diyos hindi tayo pinupuksa, dahil ang pag-ibig niya ay hindi nagmamaliw; hindi nagbabago tulad ng bukang liwayway, dakila ang Kaniyang katapatan. Samakatuwid, tayo ay nabubuhay dahil pinili ng Diyos na mahabag sa atin at hindi tayo puksain.

Tayo ay nakakakain, nakakatulog nang mahimbing, nakakapagtrabaho, nakakapag-enjoy ng ating pamilya, at nakakagawa ng maraming bagay dahil sa kaniyang kahabagan. Kung wala ang habag ng Diyos, matagal na tayong patay at nagdurusa sa impyerno. Ngunit ang kahabagan niya ay may layunin at ito ay upang bigyan ng pagkakataon ang bawat isa na makapagsisi at lumapit sa Panginoon habang may panahon pa, bago tayo humarap sa kaniyang paghahatol sa ating kamatayan o bago bumalik si Hesus dito sa lupa.

Maipapakita natin ang tunay na pasasalamat sa Diyos kung mananalig tayo sa kaniyang anak na si Hesus na siyang tumanggap ng hatol ng Diyos sa ating kasalanan upang tayo ay makapanumbalik sa Diyos at makapiling siya sa kaniyang kaluwalhatian magpakailan pa man. Hindi kailangan ng Diyos ng mga alay na handog. Siya ang may-ari ng langit at lupa. Ang higit na mahalaga sa kaniya ay ang pagsuko ng ating buhay sa kaniyang paghahari at kalooban. At ito ang pinakadakilang kapahayagan ng ating pasasalamat sa Kaniya.

Pastor Junie Josue is Senior Pastor of International Worship Centre (IWC) at 1077 St. James St. (Worship Services: Sundays- 9 a.m. Tagalog, 10:45 a.m. English service). Other IWC English worship services every Sunday are also held at the following sites: Cineplex Entertainment, Kildonan Place at 1555 Regent Avenue at 10:30 a.m. & Cinema City Northgate at 1399 McPhillips St. at 10:15 a.m. Pastor Junie is also host of radio program Higher Life on CKJS 810 AM, Monday to Friday, 8:50 a.m. For more information, call 774-4478.

Have a comment on this article? Send us your feedback.

Bagong Taon – bagong buhay!

$
0
0

Heavenly Connection ni Pastor Junie JosueBagong Taon – bagong buhay!

By Pastor Junie Josue

Nakapanood na ba kayo ng circus? Isa sa paborito ko ay ang trapeze artist. Napakataas at nakakalula ang kaniyang kinalalagyan. Nakalambitin siya sa isang swing. At nagpapalipat lipat siya mula sa isang swing tungo sa isa pa. At ang nakakakaba pa dito ay walang net sa ilalim niya. Habang inaabot ng trapeze artist ang susunod na swing, kinakailangan niyang pakawalan ang swing kung saan siya ay nakalambitin. Iyon lang ang paraan para makapunta siya sa susunod na swing. Gayundin tayo, may mga bagay na kailangan nating pakawalan o iwan para sa kabutihan ng ating buhay.

Sa biblia, mababasa natin na may mga taong iniwan ang ilang bagay para sa kanilang kabutihan. Inutusan ng Diyos na iwanan ni Abraham ang kaniyang pamilya at lupain para pumunta sa isang lugar na pinangako sa kaniya ng Diyos. Nang tayo ay lumipat dito sa Canada, siguradong may mga naiwanan tayong mga mahal sa buhay sa Pilipinas at may kirot na nadarama tayo kapag naaalala natin ang mga naiwanan natin. Pero umaasa kasi tayo ng mas magandang buhay sa Canada kaya kinaya nating iwanan ang mga malapit sa ating puso. Siguradong hindi rin naging madali kay Abraham na iwan ang kaniyang mga mahal sa buhay. At alam niyo bang noong siya ay tinawag ng Diyos, siya ay 75 anyos na? Alam natin na mahirap sa may edad ang paglipat. Pero pinili niya na sumunod pa rin sa Diyos. At mula nga sa kaniya, naitayo ang bayan ng Israel na siyang nagsilang sa ating Mesias o tagapagligtas na walang iba kundi ang Panginoong Hesus.

Totoong may mga mabubuting bagay na kailangan nating iwan para makaranas tayo o makamtam natin ang higit sa mas mabuting bagay. Inutusan din ng Diyos ang mga Israelita na iwan ang bayan ng Ehipto upang pumunta sa lupang kaniyang pinangako sa kanila. Laking hirap ang kanilang dinanas bago sila tuluyang pakawalan ng hari ng Ehipto. Sa kanilang paglalakbay tungo sa lupang pangako, ang kanilang pananampalataya sa Diyos ay ilang beses sinubok. Nandoong wala silang mainom at makain. Nandoong lusubin sila ng mga kaaway. Pero may naghihintay na magandang kinabukasan at buhay sa kanila na inihanda na ng Diyos.

Si Lot na pamangkin ni Abraham ay nanirahan sa lugar ng Sodom kasama ng kaniyang pamilya. Dahil sa tindi ng kasamaan ng mga tao sa lugar na iyon, kinailangan na itong husgahan ng Diyos. Tutupukin niya ang Sodom pero nais niyang iligtas ang matuwid na si Lot. Nagpadala siya ng anghel para kunin si Lot at ang kaniyang pamilya. Sinabi ng anghel kay Lot ang mangyayaring pagkawasak ng siyudad at kailangan silang dalidaling umalis. Binalaan silang huwag lumingon. Napakahirap na bagay para kay Lot at sa kaniyang mag-anak ang iwanan ang lugar na kanilang tirahan na siguradong punong puno ng magagandang ala-ala, ang lisanin ang lahat na kanilang mga ari-arian, ang kabuhayang pinundar nila sa loob ng ilang taon. Pero ito lang ang paraan para maligtas ang kanilang buhay.

Minsan may mga bagay tayong kailangan iwan o putulin para sa ating ikabubuti. Maaring ito ay isang maling relasyon o maling uri ng pamumuhay, o bisyo, o masamang ugali o masamang barkada. Alam nating hindi tayo makakausad tungo sa pagbabagong buhay hanggang dala dala natin ang mga bagay na ito.

Ngayong Bagong Taon, bakit hindi natin isuko sa Diyos ang mga bagay na humahadlang sa ating pagbabagong buhay.? Sapat ang biyaya niya para bigyan tayo ng kalakasang gawin ito.

Pastor Junie Josue is Senior Pastor of International Worship Centre (IWC) at 1077 St. James St. (Worship Services: Sundays - 9 a.m. Tagalog, 10:45 a.m. English service). Other IWC English worship services every Sunday are also held at the following sites: Cineplex Entertainment, Kildonan Place at 1555 Regent Avenue at 10:30 a.m. & Cinema City Northgate at 1399 McPhillips St. at 10:15 a.m. Pastor Junie is also host of radio program Higher Life on CKJS 810 AM, Monday to Friday, 8:50 a.m. For more information, call 774-4478.

Have a comment on this article? Send us your feedback.


Disiplina

$
0
0

Heavenly Connection ni Pastor Junie JosueDisiplina

By Pastor Junie Josue

Katatapos lamang ng 2014 Winter Olympics na ginanap sa Sochi, Russia. Ipinakita doon kung paano nag-gugol ng mahabang panahon sa pagsasanay ang bawat manlalaro para sa makasaysayang pagkakataong ito. May mga nakaranas ng pagkatalo noong mga nakaraang taon ngunit nagpasiyang magpakadalubhasa at lumahok muli at umasang makakuha sila ng medalya sa taong ito. May ilan naman ang dumaan sa maraming hamon. Ang kilalang figure skater ng Russia na si Plushenko ay sumali para sa team event ng figure skating kahit na ilang operasyon na sa kaniyang likod ang kaniyang dinanas. Maging ang ating kababayan na figure skater na si Michael Christian Martinez ay dumaan rin sa operasyon dahil sa pagkapinsala ng kaniyang bukung-bukong at tuhod.

Walumpung taong na ang nakakaraan, ginulantang ni Eric Liddell ang buong mundo nang makamit niya ang gold medal sa 400 metres – isang palighasan sa takbuhan na hindi inaasahan ng mga tao na ipapanalo niya. Si Liddell ay paborito sa 100 metres ngunit umatras siya sa paligsahang ito pagkatapos niyang malaman na ang paligsahan ay gagawin sa araw ng Linggo, isang araw na tinuturing niyang araw ng pamamahinga at pagsamba sa Diyos. Sa halip na malungkot at manghinayang siya dahil hindi siya makakalahok sa 100 metres na siguradong ipapanalo niya, ginugol niya ang sumunod na anim na buwan sa pag-eensayo para sa 400 metres. Nanalo siya at gumawa ng panibagong record sa Olympics.

Kahit hindi inaasahan, nanalo siya dahil nagsikap at nagsanay siya. At maging sa espiritual na buhay niya, dinisiplina niya ang kaniyang sarili sa pagbabasa ng salita ng Diyos at pananalangin araw-araw. Sa pamamagitan ng biyaya at kalakasan ng Diyos, si Eric Lidell ay nakatapos ng matagumpay sa takbo ng buhay hanggang siya ay kunin ng Diyos.

Ayon sa apostol Pablo sa biblia sa 1 Corinto 9:25-27 – “Lahat ng manlalarong nagsasanay ay nagpipigil sa sarili sa lahat ng bagay upang magkamit ng isang korona na panandalian lamang ngunit ang korona na hinahangad natin ay panghabang panahon. Kaya’t ako’y tumatakbo patungo sa isang tiyak na hangganan at hindi ako sumusuntok sa hangin. Pinahihirapan ko ang aking katawan at sinusupil ang aking sarili baka pagkatapos kong mangaral sa iba ay ako naman ang aking itakwil.”

Alam ng bawat kalahok sa paligsahan ang kahalagahan ng disiplina sa katawan. Kaya nga’t bantay na bantay ang kanilang mga kinakain upang tama lang ang kanilang timbang at makuha nila ang sustansyang kailangan nila sa kanilang sinusubo at nilalagok. Malaking panahon ay ginugugol sa pagsasanay kaya’t sinasakripisyo nila ang panahon na puwede sana nilang gamitin sa pagre-relax, pagpa-party at pagbabarkada. Natututo silang magtiis at magpatuloy kahit na masakit na ang kanilang katawan para lamang mahasa ang kanilang galing. Sinasanay sila ng kanilang coach sa lahat ng kondisyon; sa matinding init ng sikat ng araw at sa nakakangatal na lamig ng winter.

Hinalintulad ni apostol Pablo ang buhay Kristiyano sa isang paligsahang may nakaabang na gantimpala upang bigyan diin ang kahalagahan ng disiplina.

Hindi tayo dapat magpadala sa layaw ng ating katawan o sa pita ng laman na magdadala sa atin sa kasalanan. Mahalagang madisiplina natin ang sarili natin na magugol ng panahon sa pag-aaral ng salita ng Diyos at sa pananalangin pagkat ang mga ito’y magbibigay kalakasan sa ating espirito. Importante ring makisama tayo sa kapwa Kristiyano na magbibigay sa ating ng kalakasan at magtuturo sa ating umibig. May mga pagkakataon ding kailangan natin isakripisyo ang mga bagay na gustong-gusto natin para sa ikalalago ng ating relasyon sa Diyos tulad ng mga barkadang naglalayo sa atin sa Diyos at mga bisyong naglulugmok sa atin sa kasalanan.

Kapag hindi natin dinisiplina ang ating sarili, parang tayong sumusuntok sa hangin. Para rin tayong buhangin sa dalampasigan na palaging natatangay ng agos. Kaya’t hindi kataka-taka na ang buhay ng ilan sa ating mga Kristiyano ay parang roller coaster. Palaging natatangay ng mga pangyayari sa buhay. Pag tinamaan ng problema at tukso, lulusong pababa. Kapag naman walang problema at matiwasay ang kapaligiran, umaakyat din ang pagtitiwala nila sa Diyos. Ang kanilang relasyon sa Diyos ay nakabase sa mga pangyayari sa buhay.

Kapupulutan natin ng aral ang paalala ni apostol Pablo sa batang pastor na si Timoteo ukol sa kahalagahan ng disipilina. Ito’y nasa biblia sa 2 Timoteo 2:3-6 – “Magpakasakit ka tulad ng isang mabuting kawal ni Kristo Hesus. Ang isang kawal ay hindi dapat makialam sa mga bagay na walang kaugnayan sa pagiging kawal. Sa halip, dapat niyang sikaping magbigay lugod sa kaniyang pinuno. Hindi magtatagumpay ang isang manlalaro kapag hindi siya sumusunod sa mga tuntunin. Ang magsasakang nagpagal ang may karapatan sa unang bahagi ng ani.”

Kaya’t mabuhay tayo nang may disiplina upang maranasan natin ang matagumpay na pamumuhay.

Pastor Junie Josue is Senior Pastor of International Worship Centre (IWC) at 1077 St. James St. (Worship Services: Sundays - 9 a.m. Tagalog, 10:45 a.m. English service). Other IWC English worship services every Sunday are also held at the following sites: Cineplex Entertainment, Kildonan Place at 1555 Regent Avenue at 10:30 a.m. & Cinema City Northgate at 1399 McPhillips St. at 10:15 a.m. Pastor Junie is also host of radio program Higher Life on CKJS 810 AM, Monday to Friday, 8:50 a.m. For more information, call 774-4478.

Have a comment on this article? Send us your feedback.

Saan ka pupunta?

$
0
0

Heavenly Connection ni Pastor Junie JosueSaan ka pupunta?

Ni Pastor Junie Josue

Isa sa kinakatakutan ng tao ay ang kamatayan. Marami tayong katanungan ukol dito. At ang isa pang nagbibigay kaba sa atin ay hindi natin alam kung kailan tayo lilisan dito sa mundo. Ang sabi nga sa biblia sa aklat ng Mangangaral 8:7-8 “Walang makapagsasabi kung ano ang maaaring mangyari at kung paaano ito magaganap. Kung papaanong hindi mapipigil ng tao ang hangin, gayon din naman hindi niya mapipigil ang panahon ng kamatayan.”

Kapag nagbibiyahe tayo sa ibang lugar, mas kampante tayong makisama sa mga tour guide o sa mga taong nakarating na sa lugar na iyon. Hindi kasi tayo maliligaw sa mga pasikut-pasikot at makikita pa natin ang mga magagandang tanawin na baka ma-miss natin kung nag-iisa lamang tayo sa biyahe. Hindi pa tayo maloloko ng mga ibang katutubo sa lugar na iyon na nambibiktima ng mga dayuhan dahil mapapayuhan tayo ng mga tour guide.

Aminin man natin o hindi, marami sa atin ang takot sa kamatayan dahil hindi tayo sigurado kung saan ang ating destinasyon. Dahil sa mas madali ang pera dito sa Canada kaysa sa Pilipinas, mas marami sa atin ang nagseseguro na may puntod nang nakahanda sakaling dumating na ang ating pagpanaw. Pero paano naman ang paghahanda natin sa kabilang buhay?

May isang businessman na nagpalaki ng kaniyang negosyo. Lumakas ang kaniyang benta sa puntong kinakailangan na niyang nang mas malaking warehouse at sales office. Kahit na hirap siya sa paglipat, nagdaos pa rin siya ng celebration party. Dahil doon, nagpadala ang ilan niyang mga kaibigan ng mga bulaklak noong grand opening ng kaniyang negosyo. Isa sa natangggap niya ay may kalakip na card na nagsasabing “Ang aking simpatiya ay nasa sa iyo sa panahon ng iyong pagdadalamhati.” Tumawag ang nagpadala ng bulaklak na iyon sa businessman para tanungin kung natanggap niya ang mga bulaklak. Nagtatakang nagtanong ang businessman kung bakit ganoon ang nakasulat sa card. Hindi rin alam ng kaibigan kung anong nangyari kaya’t kaagad-agad pumunta ito sa flower shop para humingi ng paliwanag. Ito ang sabi ng may-ari ng flower shop: “Humihingi ako ng paumanhin sa iyo dahil hindi sinasadyang nagkapalit kayo ng order ng isang customer. Pero sana ay maunawaan mo ako. Mabuti nga’t ganiyan lang ang nangyari sa iyo. Sa punenarya, kung saan napadala ko ang inorder mong bulaklak, ang natanggap ng mga tao doon para sa kanilang patay ay may kalakip na card na nagsasabing “Best wishes sa bago mong lokasyon.”

Saan tayo aasa para sa kasiguraduhan sa kabilang buhay? Sa kapalaran ba? Kaibigan, maasahan natin ang pangako ng Panginoong Hesus. Higit pa sa isang tour guide, magagabayan at maaakay niya tayo tungo sa buhay na walang hanggan. Hindi tayo kayang lokohin at iligaw sa landas ng mga kampon ng kadiliman kung kasama natin si Hesus.

Sa biblia, mababasa natin ang mga salitang binitiwan ni Hesus sa atin. Ayon sa Juan 5:24 “Ang nakikinig sa aking salita at nananalig sa nagsugo sa akin (tinutukoy dito ang Diyos Ama) ay may buhay na walang hanggan. Hindi na siya hahatulan kundi inilipat na sa buhay mula sa kamatayan. At sa Juan 11:25 ang sabi ni Hesus “Ako ang muling pagkabuhay at buhay. Ang mananalig sa akin, kahit mamatay, ay muling mabubuhay.” At sa Pahayag 1:17-18, ito naman ang wika ni Hesus: “Huwag kang matakot. Ako ang simula at ang wakas. Namatay ako ngunit ako’y buhay ngayon at mananatiling buhay magpakailanman. Nasa ilalim ng kapangyarihan ko ang kamatayan at ang daigdig ng mga patay.”

Kaibigan kung pumipirma tayo sa mga funeral plan, bakit hindi tayo makipagkontrata rin kay Hesus at magpasakop sa Kaniya bilang ating Panginoon at tagapagligtas nang masigurado natin ang ating destinasyon sa kabilang buhay at hindi na tayo matakot pa sa harap ng kamatayan?

Pastor Junie Josue is Senior Pastor of International Worship Centre (IWC) at 1077 St. James St. (Worship Services: Sundays - 9 a.m. Tagalog, 10:45 a.m. English service). Other IWC English worship services every Sunday are also held at the following sites: Cineplex Entertainment, Kildonan Place at 1555 Regent Avenue at 10:30 a.m. & Cinema City Northgate at 1399 McPhillips St. at 10:15 a.m. Pastor Junie is also host of radio program Higher Life on CKJS 810 AM, Monday to Friday, 8:50 a.m. For more information, call 774-4478.

Have a comment on this article? Send us your feedback.

Pagpapahalagang nararapat

$
0
0

Heavenly Connection ni Pastor Junie JosuePagpapahalagang nararapat

Ni Pastor Junie Josue

Ang ikalimang utos sa 10 Commandments ay ito: “Igalang ninyo ang inyong ama’t ina.” Maraming paraan natin maipapakita ang ating paggalang sa ating mga magulang. Ang isa’y ang pagpapahalaga sa kanilang mga payo. Nakakalungkot na may mga anak na naghihintay na lamang magdisi-otso para makaalis sa bahay ng mga magulang dahil ayaw nilang sumusunod sa mga patakaran ng mga magulang.

Totoong dumarating ang panahon na kailangang bumukod ang mga anak at magsarili. Ngunit hindi ibig sabihin ay titigil na sila sa paggalang sa kanilang mga magulang. Tungkulin nating mamuhay nang marangal at hindi magbigay ng kahihiyan sa ating mga magulang. Ayon sa biblia sa Kawikaan 17:25 “Ang hangal na anak ay problema ng kaniyang ama at pabigat sa damdamin ng kaniyang ina.”

Ang pagpapakita ng pasasalamat sa ating mga magulang sa kanilang mga ginawa sa atin ay isa ring paraan ng paggalang sa kanila. Ang simpleng sulat, kard o regalo na nagpapahayag ng ating pasasalamt kadalasan ay sapat na. Sa mga burol, magaganda ang mga salita ng mga anak patungkol sa kanilang yumaong magulang. Nasabi kaya nila ang mga salitang ito noong nabubuhay pa ang kanilang mga magulang?

Maipakikita natin ang paggalang sa ating mga magulang sa pamamagitan ng pagtugon sa kanilang pangangailangan lalo na kung sila’y matatanda na. Ayon sa biblia sa 1 Timoteo 5:3 “Kung ang isang babaeng balo ay may mga anak o apo, ang mga ito ang dapat kumalinga sa kanilang mga magulang bilang pagtanaw ng utang na loob sapagkat ito ang nakalulugod sa Diyos.” Hindi ibig sabihin ay kailangan silang manirahan sa ating pamamahay. Maaaring nakatira sila sa hiwalay na lugar ngunit tungkulin pa rin ng mga anak na siguraduhin na ang kanilang mga pangangailangan ay natutugunan.

Alam n’yo bang ang ating pangangalaga sa ating mga magulang ay isang paraan na maipapakita natin na tayo’y tunay na Kristyano? Ang sabi sa 1 Timoteo 5:8 “Ang sinumang hindi kumakalinga sa kaniyang kamag-anak lalo na sa kasambahay ay tumatalikod sa pananampalataya at masahol pa sa mga walang pananampalataya (sa Diyos).”

Ang isa pang paraan ng paggalang sa ating mga magulang ay ang pagpapatawad sa kanilang mga pagkakamali. May mga anak na walang makitang dahilan para galangin nila ang kanilang mga magulang. Karaniwan ito sa mga anak ng lasenggo, batugan, o kriminal. May mga kaso rin na kapag naghihiwalay ang mga magulang, nawawala ang paggalang ng mga anak sa kanila dahil sa sama ng loob nila sa nangyari sa kanilang pamilya.

Ang pagsunod natin sa kautusan ng Diyos na galangin ang ating mga magulang ay hindi nakasalalay sa katauhan o ginawa nila. Alam kong hindi madaling gawin ito lalo na sa mga biktima ng kahalayan o pang-aabuso ng kanilang mga magulang. Ngunit ang biyaya ng Diyos ay sapat para magawa natin ito. Marami akong kilalang mga tao na biktima ng pang-aabuso ng kanilang mga magulang ngunit nakuha nilang magpatawad dahil sa nilagak nila ang kanilang bigatin sa kamay ng Diyos. Sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos, natutunan nilang magpatawad at umibig. Ang isa dito ay ang sikat na guro ng salita ng Diyos at manunulat na si Joyce Meyer. Inabuso siya ng kaniyang sariling ama ng maraming taon. Natural lamang na mapuno siya ng galit sa lalaking sumira ng kaniyang kabataan. Sa patuloy na pag-aaral niya ng biblia at pananalangin, lumalim ang kaniyang ugnayan sa Diyos. Ginabayan at tinuruan siya ng Diyos na magpatawad. Sa katunayan, ibinili pa niya ng bahay malapit sa kaniya ang kaniyang mga magulang ilang taon bago pumanaw ang kaniyang ama.

May mga nagsabi na sa pagpapatawad nila sa kanilang magulang ay para rin silang naalisan ng mabigat na pasanin. Kaya ang pagpapatawad ay hindi lamang nakabubuti sa ating mga magulang na sumakit ng ating damdamin ngunit pati na rin sa atin.

Alam n’yo bang ang pagsunod sa kautusang galangin ang mga magulang ay may kalakip na pangako mula sa Diyos? Bubuti at hahaba ang ating buhay. Kaya’t sundin natin ito. Walang talo dito. Magbigay halimbawa tayo sa ating mga anak. Tandaan natin kung ano ang ating itinanim ang siya nating aanihin.

Bumabati ako ng Happy Mother’s Days sa mga dakilang babae. Pagpalain kayo ng Diyos!

Pastor Junie Josue is Senior Pastor of International Worship Centre (IWC) at 1077 St. James St. (Worship Services: Sundays - 9 a.m. Tagalog, 10:45 a.m. English service). Other IWC English worship services every Sunday are also held at the following sites: Cineplex Entertainment, Kildonan Place at 1555 Regent Avenue at 10:30 a.m. & Cinema City Northgate at 1399 McPhillips St. at 10:15 a.m. Pastor Junie is also host of radio program Higher Life on CKJS 810 AM, Monday to Friday, 8:50 a.m. For more information, call 774-4478.

Have a comment on this article? Send us your feedback.

Ang mga tatay muna

$
0
0

Heavenly Connection ni Pastor Junie JosueAng mga tatay muna

Ni Pastor Junie Josue

Ano nga ba ang tungkulin ng isang ama? Sa biblia, tinuturing na ulo ng tahanan ang ama. Ang mga ama ang tumatayong mga pari na kumakatawan sa Diyos. Isa sa pangunahing tungkulin nila ang turuan ang kanilang mga anak ng tungkol sa Diyos at ng makadiyos na pamumuhay. Hindi pa rin nagbago kahit na sa bagong tipan ng biblia ang tungkulin ng ama. Sa aklat ng Efeso 6:4, makikita natin na inatasan ng Diyos ang ama na palakihin ang mga anak sa aral at tuntunin ng Panginoon.

Natutuwa ako na kahit nandito na tayo sa Canada, marami pa rin sa mga magulang ang patuloy na pinag-iipunan ang pangkolehiyo ng kanilang mga anak dahil alam natin ang kahalagahan ng mataas na edukasyon sa kanilang kinabukasan. Pero madalas ay nakakalimutan natin ang mas mahalagang bagay at iyan ay ang pagtuturo sa kanila ng aral at tuntunin ng Panginoon.

Sa tahanan itinalaga ng Diyos na matuto ang mga bata ng patungkol sa Diyos. Totoong may mga simbahan na nagtuturo ng mga iyan pero ang mga ito ay karagdagang pagtuturo lamang. Sa magulang pa rin nakasalalay ang pagpapalaki sa mga bata ng makadiyos na katuruan.

Ito ang malungkot na pagkukumpisal ng isang biguang ama. “Dinala ko ang aking mga anak sa eskuwela pero hindi sa simbahan. Tinuruan ko silang uminom ng gatas pero hindi ko sila turuang uminom ng tubig na nagbibigay ng buhay na walang hanggan. Ini-enrol ko sila sa Little League pero hindi sa Sunday School kung saan sana ay naturuan sila ng salita ng Diyos. Tinuruan ko silang mangisda pero nakaligtaang kong turuan sila na mangisda ng tao tungo sa kaharian ng Diyos. Ginawa kong holiday ang Linggo pero hindi ko tinuring na banal na araw ito. Itinuro ko sa kanila na ang simbahan ay puno ng mga hipokritong tao at ginawa ko tuloy silang mga hipokrito rin. Binigyan ko sila ng TV pero hindi ng bibliya. Binigyan ko sila ng mga susi sa kani-kanilang kotse pero hindi ko binigay sa kanila ang susi sa kaharian ng Diyos. Tinuruan ko silang maghanap-buhay pero nabigo akong ituro sa kanila si HesuKristo na siya lamang makapagbibigay ng buhay na walang hangggan.”

Maririnig natin sa mga stewardess ng eroplano ang mga salitang ito, “Kung sakaling mawalan ng cabin pressure ang eroplano, may lilitaw at mahuhulog na dilaw oxygen mask mula sa ceiling compartment na nasa taas. Hilahin ninyo ang mask tungo sa inyo. Itakip ninyong mabuti ang mask sa inyong ilong at bibig sa pamamagitan ng elastric strap upang dumaloy ang oxygen. Kung may kasama kayong bata, siguraduhin ninyo munang nakalagay nang tama ang sarili ninyong mask bago tumulong sa iba.”

Parang hindi yata tama iyon. Uunahin muna natin ang ating sarili bago ang mga bata? Bilang magulang, likas na sa atin na unahin ang kapakanan at kaligtasan ng ating mga anak bago ang ating mga sarili. Ngunit ang sabi sa airline, unahin muna natin ang ating sarili! Simple lang ang dahilan, Kung hindi tayo makakahinga nang mabuti, hindi natin matutulungan ang ating mga anak at parehong buhay ang maaaring mawawala.

Ganiyan din sa espiritual na pamumuhay. Kung hindi natin aalagaan ang ating espiritual na buhay, kung wala tayong tama at mahusay na relasyon sa Diyos, hindi tayo nagsisimba, hindi tayo nag-aaral ng salita ng Diyos at hindi tayo nananalangin, ano ang maituturo at maipapasa nating mga makadiyos na pamumuhay sa ating mga anak? Hindi natin puwedeng sabihin sa kanila na gawin nila ang ating pinag-uutos pero huwag nilang gayahin ang ginagawa natin. Kung wala tayong matatag na makadiyos na pundasyon sa buhay, saan patutungo ang ating buhay? At saang direksyon natin gagabayan ang ating anak?

Hindi pa huli ang lahat, kaibigan. Maaari tayong magsimula ngayong sandali na magpagabay sa Diyos at magpaturo ng tamang pamumuhay para may maipasa tayong mabuti sa ating mga anak.

Pastor Junie Josue is Senior Pastor of International Worship Centre (IWC) at 1077 St. James St. (Worship Services: Sundays - 9 a.m. Tagalog, 10:45 a.m. English service). Other IWC English worship services every Sunday are also held at the following sites: Cineplex Entertainment, Kildonan Place at 1555 Regent Avenue at 10:30 a.m. & Cinema City Northgate at 1399 McPhillips St. at 10:15 a.m. Pastor Junie is also host of radio program Higher Life on CKJS 810 AM, Monday to Friday, 8:50 a.m. For more information, call 774-4478.

Have a comment on this article? Send us your feedback.

Babalang dapat bigyan pansin

$
0
0

Heavenly Connection ni Pastor Junie JosueBabalang dapat bigyan pansin

Ni Pastor Junie Josue

Ang konsensiya ay parang isang nag-iilaw na kandila sa kaloob-looban ng ating puso na nagsasabi sa atin ng kaibahan ng tama sa mali. Sa biblia sa Kawikaan 20:27, hinalintulad ang konsensiya sa isang kandila o lampara. Ayon sa biblia, ang konsensiya ng isang tao ay ang lampara ng Panginoon, na humahalughog ng lahat ng nasa kaibuturan ng ating puso.” Para ring isang ilaw na nagbibigay babala ang konsensiya. Sinasabi nito sa atin na ang binabalak nating gawin ay mali at kapag nagpatuloy tayo sa paggawa ng maling bagay na ito, sasabihin sa atin ng ating konsensiya, “Kita mo na, sinabi ko na sa iyong huwag mong gawin iyon.”

Binigyan ng Diyos ng konsensiya ang lahat ng tao. At maging ang mga taong walang nalalamang kautusan mula sa bibliya ay mayroong konsensiya. Alam n’yo bang halos lahat ng lipunan ay may kautusan laban sa pagpatay at pagnanakaw? Saan nila nakuha ang ideyang ito? Galing ito sa konsensiyang binigay sa atin ng Diyos

Nang buksan ni Sgt. Ray Baarz ng Utah Police Department ang kaniyang wallet, nadiskubre nitong paso na pala ang kaniyang lisensiya sa pagmamaneho. Hiyang hiya siya sa kaniyang sarili. Wala siyang pagpipilian. Binunot niya sa kaniyang bulsa ang ticket book at tinekitan niya ang kaniyang sarili. Pagkatapos ay dinala niya ang kaniyang ticket sa city judge na nagmulta sa kaniya ng ilang dolyares. Ayon sa kaniya, hindi kaya ng kaniyang konsensiya na mag-isyu ng tiket sa ibang tao na paso na ang lisensiya sa pagda-drive kung hindi niya titiketan ang sarili niya.

Kapag binabagabag tayo ng ating konsensiya, ililihim ba natin ang ating kasalanan, padadaig ba tayo sa kahihiyan, o mabubuhay ba tayo na palagi na lang tago nang tago? Ang sabi sa biblia sa Hebreo 10:22: “Kayat lumapit tayo sa Diyos nang may tapat na kalooban at matibay na pananalig sa Kaniya, pahugasan natin ang ating mga puso para malinis ang ating konsensiya.”

Kung patuloy na hindi pinapansin ng isang tao ang sinasabi ng kaniyang konsensiya, maaring hindi na gumana nang tama ang kaniyang konsensiya sa susunod na pagkakataon. Ang compass ay karaniwang ginagamit para magabayan sa tamang direksyon ang isang manlalakbay. Kapag kumuha ka ng isang compass na nakaturo sa north at humawak ka ng isang magnet katabi ng compass, iikot ang needle ng compass at huwag mo nang asahang magabay pa nang wasto ang compass. Sira na ito. Ganoon din ang nangyayari sa ating konsensiya kung patuloy natin itong nilalantad sa patuloy na pagkakasala. Hindi na natin maasahan ang ating konsensiya na gumabay sa ating gumawa nang tama. At hindi ito biglaang mangyayari sa ating konsensiya. Dahan dahan ang pangyayaring ito.

Nasubukan n’yo na bang magsinungaling? Noong una kayong magsinungaling, masama ang pakiramdam n’yo dahil sa nagawa n’yo. Pero sa susunod na pagkakataon na magsinungaling kayo, parang mas madali nang gawin ito. May mga taong napakagaling magsinungaling. Kaya nilang tumitig sa inyong mga mata at magsinungaling. Nakumbinsi nila ang kanilang sarili na hindi naman talaga masama ang magsinungaling.

At ang nakakalungkot pa dito, hindi lamang ang mga kriminal ang maaring may konsensiyang hindi gumagana. Maging ang mga pangkaraniwang tao. May mga taong nagsasabing sila’y Kristiyano pero may kinakasama silang ibang babae maliban sa sarili nilang asawa at okay lang sa kanila ang gawaing ito. May iba namang nandadaya sa kanilang income tax sa loob nang mahabang panahon sa puntong nakumbinsi na nila ang kanilang sarili na walang kaso ito

Ang konsensiya ay bigay ng Diyos para mangusap sa atin pero marami ang sumisira dito sa puntong hindi na nila ito mapakinabangan. Kamustahin natin ang kalagayan ng ating mga konsensiya.

Pastor Junie Josue is Senior Pastor of International Worship Centre (IWC) at 1077 St. James St. (Worship Services: Sundays - 9 a.m. Tagalog, 10:45 a.m. English service). Other IWC English worship services every Sunday are also held at the following sites: Cineplex Entertainment, Kildonan Place at 1555 Regent Avenue at 10:30 a.m. & Cinema City Northgate at 1399 McPhillips St. at 10:15 a.m. Pastor Junie is also host of radio program Higher Life on CKJS 810 AM, Monday to Friday, 8:50 a.m. For more information, call 774-4478.

Have a comment on this article? Send us your feedback.

Viewing all 67 articles
Browse latest View live